Lalake na pala ako ngayon
Naman eh, pansin ko lang, last school year, nakaranas akong magkarga ng mabibigat. I mean, yung tipong, pakakargahin ka ng mesa, ng wood na parang board na nagdidivide ng admi sa sco, ng tv pag campaign (hahaha, yes!), ng malalaking carton na may lamang sandamakmak na papel, ng malalaking plastic bags na pinaglalagyan ng costumes and props, etc. Guys, talagang lalake ang tingin nyo sa akin ano? hahaha :)
TT hahaha, macho na talaga ako. Tas kanina, nakasabay ko Papa ko pauwi, tapos naggrocery sya. Then sabi nya sakin ako na daw ang mag-uwi ng grocery sa bahay kasi dadaan pa sya ng Citi Hardware. Kaya ayun, as if naman na may choice ako na magsay no. :/ So yun, pagbaba ko, karga karga ko ang napakalaki at napakabigat na plastic. T__T
Ang masaklap pa dun, grabe kung makatingin ang kapitbahay namin. hahaha, major badtrip. Tas may nagsabi, "Hi DOnna, ang macho mo ah." I mean, ahy shet. hahaha.
Buti na lang at hindi ako nakaheels kanina. pffft. :)