Hi,
Ako nga pala to.
Nagbabalik muli upang magsulat ng mga memang saloobin sa buhay.
Welcome back to me. 😊

blake kathryn
d e v o n
Three Goblin Art

No title available
DEAR READER

Andulka
Stranger Things
we're not kids anymore.

if i look back, i am lost
tumblr dot com
KIROKAZE
i don't do bad sauce passes
No title available

pixel skylines
Mike Driver
One Nice Bug Per Day

Kiana Khansmith

No title available
taylor price

Origami Around
seen from Germany
seen from United States

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United States
seen from Poland

seen from United States

seen from Italy

seen from Türkiye
seen from United States

seen from Malaysia

seen from Australia

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Malaysia

seen from South Korea

seen from India
@crispishkreme
Hi,
Ako nga pala to.
Nagbabalik muli upang magsulat ng mga memang saloobin sa buhay.
Welcome back to me. 😊
So me.
Gusto ko lang magpahinga.
Pahinga lang ang kailangan ko.
Baka.
Baka napapagod lang ako sa sirkulasyon ng buhay ko dito sa kursong napasukan ko. Baka eto talaga yung nakatadhana? Baka eto na yung kailangan ibahin ko na yung pamamaraan ng pag-aaral ko. Pero baka naman tama ako na baka lang naman. 😪 Kaya ko pa ba? Kahit pilit akong kumakapit kusa yatang gumuguho yung nakakapitan ko. Tiwala sa sarili Joy please!
Ayoko na.
Ayoko ng magpanggap na ayos ako. Ayoko ng magpanggap na masaya ako. Ayoko ng mamalagi sa apat na sulok ng aking silid. Ayoko ng paikutin yung nagmala hugis parisukat kong mundo.
NAKAKAPAGOD KASI BES.
Karamdaman. Kung pagmamasdan mo ako sa malayo. Ako'y tila isang malakas na malakas. Makikita mo saking pagtayo na kaya ko ang lahat. Hindi uso ang mag reklamo. Masayang haharapin ang bawat hakbang ng aking mga paa. Sa kahit ano pang pagsubok. Ngunit sa kabila ng ito, ako'y may karamdamang iniinda. Ayokong ipakita bagkus ito ay kusa mong mahahalata. Ngingitian ko lang lahat ng mga ito, habang iniisip mo pa lang kung ano nga ba ang aking karamdaman. Ayokong pati ikaw malungkot sa nagiging karamdaman ko. Ngiti lang tayo kaibigan. Ang liwanag ng bukas ay hindi matatapos. Dilim lamang ang pagitan ngunit, may liwanag ng mga kandila pa rin sa kabila ng kadiliman.
Bes lapit na MidTerm Exam. Hindi pa rin umaattend si prof. Ano pong isasagot namin? 😂
So close yet so far. Umaga pa lang, likod mo nakita ko. Kaso iniba ni maam yung arragement ng upuan natin so nagpalit kayo ni classmate, nung umupo ka, sabi ko OMG. Nalingon ka tapos nginitian mo ako. Hindi ko alam sasabihin ko kaya nginitian nlang rin kita. Yung awkward moment na yon, jusko di ko alam kung paano mapipigilan. Tapos nung nag klase na kami after ng exam, iba kase trip ng prof. Namin e nangheram ng oras for discussion yung tipong utak ko sasabog na kase memory full na ganon, ayon na nga nakita ko sya tumingin sakin, like omg kinilig ako kase tumingin sya sakin kahit nasa likod ako tapos sya nasa harap 😍. Hahaha assumera talaga ako kaya nilubos-lubos ko na. Tapos after one hour, lumipat nanaman kami ng room, narinig ko pa sya sinabi nya "tumayo nlang tayo....." Dun sa mga kasama nya, tinatamad na siguro sya magbuhat ng upuan. HAHAHA, ayon OMG! Sabi ni Arissa, dun daw ako sa pwesto nya, pagtingin ko omg katabi nya si crush. HAHAHAHA.. Hindi ko na pinansin pero ewan napapatingin ako sa kanya like curious ako kung ano itsura nya kapag nakikinig kaso di ko matingnan kase nahihiya ako. Hindi ko na rin magawang makinig ng sobra kase sobrang kibot ng ulo ko tapos antok na antok pa ako. Nung tapos na klase namin palabas ng room namin, nauna ako lumabas tapos nung pag-lingon ko humawak sya sa akin tapos hinawakan nanaman nya ako sa braso ko, jusko talaga, pinakita nya sakin yung short na susuotin nya para bukas pati yung sapatos. Goals kami jowa lang ang peg joke HAHAHA.. Tapos ayon may nakita akong picture ng babae sa phone nya i thought Girlfriend nya, but my bessy told me na artista yung girl na yon HAHAHAHAHA. OMG selos ako? Joke. Tapos nagkita ulit kami nung sa yell rehearsal na, wala kasi akong load kaya di ko rin matext kung aattend ba sya or what, nung dumating sya nagkatinginan kami nung nakakaalam na crush ko yon tapos nilakihan ko ng mata to say that "tigilan nyo please wag kayong magsasalita" sign. Hahahahaha Tapos nung 3 na lumapit sya sakin tapos sabi nya.... Sya: tara na? Ako: bakit 3 na ba? S: ou, 3 na, punta na ba tayo? A: ay seryoso, sigi wait lang(nag ayos ako ng bag) Sabay alis ng walang paalam, sa mga kaklase namin hahahaha. Tapos ayun habang naglalakad kaming dalawa nag kkwentuhan kami, tapos palitan ng motto hahaha.. Kami unang dumating sa meeting place, tapos naupo kami sa dulo, tapos pagkaupo namin nagdikit yung mga braso namin. Bes ganon kadikit talaga promise, galing ko magpanggap na wala lang HAHAHAHA sana hindi ako nahalata. Tapos kwentuhan kwentuhan ulit tapos padikit kami ng padikit hanggang sa yung phone nya nilapag nya sa harap ko, tapos ying phone ko nilapag ko sa tabi ng phone nya, feeling ko that time yung attention nya nasakin lang, selfish ako bes wag kang ano. HAHAHAHAHA. Tapos nung sinabi ko sa kanya na sya lang matangkad sumenyas ba naman pogi rin daw sya. Sabi ko hala sya. Tapos ngumiti sya OMG! Sobrang kinikilig ako pero di ko magawang ilabas yung kilig ko kaya pa sweet ako dun. Tapos nung lumabas na kami sa room, ayon biglang umulan, tapos di namin alam kung nakauwi na ba yung mga kaklase namin or hindipa. Malabot na conversation while walking somwhere.... Sya: uuwi ka na ba? Saan ka ba? Ako: wait lang baka nandito pa sila, pero sa gate 3 ako dadaan. S: ay gate 3? Sigi tara. A: ay teka tanong ko kung nasan sila. S: sigi.... *eksena walang sumasagot ng tawag, nakita nya walang sumasagot... Si *toot* tawagan mo..,* A: nandun daw sila sa AC tara? S: may payong ka ba? Sorry 😊 A: *nilabas ko yung payong ko binigay ko sa kanya.* May pinaguusapan kami e kaso nakalimutan ko na basta about yon sa rehearsal namin yon kanina. Tapos napahawak ako sa balikat nya kanina.. Lalo na nung hahakbang ako sa ac kumapit ako sa kanya naramdaman kong binaba nya yung balikat nya para maabot ko HAHAHAHAHA.. So sweet nung nakita kong nakatingin mga bessy ko layo ako e baka mamaya e madelikado buhay ko e hays. Mahirap na.. Tapos e nung una naupo sya malayo sakin, ako e nakatayo lang sa may carpet ng sepak takraw, tapos sya nakaupo sa literal na upuan. Tapos maya maya tumayo, pumwesto dun sa isang carpet ng sepak, tapos maya maya naglakad papunta dun sa nag ppractice sa yell. Tapos bumalik medyo malapit na sakin, tapos maya maya, nag tanong sakin, ade ako naman sagot ng sagot, tapos maya maya nagulat ako nagkakadikit nanaman braso namin apaka lapit nanaman nya. Tapos nararamdaman kong nagbabalance sya sa carpet wag lang malaglag HAHAHAHAHA.. Parehas pa nga kame ng tayo tyaka ng pose kanina e. 😍 Taposs si ivy kinuwento kumakanta daw sila ng "inch by inch where moving closer.... " nung nakita kaming magkadikit unti-unti Hahahahaha.. Hays tapos hanggang ngayon katext ko sya.... Grabe so close yet so far. 😅 Hindi ko alam kung ako lang ba talaga tumitingin ng malisya.. Pero sa mga text nya sobrang effort. Hindi ko na lang iisipin yung mga bagay na hindi pwedeng mangyari. Basta ako masaya 😁 Thank you kasi pinapakilig mo ako ng hindi mo alam.
Pampagulo. Hindi ko lang maexplain. Ewan naguguluhan ako. Sabi ko hinahangaan kita. Ayokong isipin agad yung mga bagay na imposible. Alam kong IMPOSIBLE talaga. Dahil alam kong malabo na matipuhan mo ang isang tulad ko. Ayoko ring umasa sa mga ikinikilos mo. Dahil madaling mag bigay ng motibo, ngunit mahirap patunayang mayroon kang pinapahiwatig. Madaling isipin at pakiramdamin kung ano. Ngunit baka masaktan lang kapag pinagpatuloy. Sapat na yung kaunting ligaya na ika'y masilayan. Yung tipong magkausap lang tayo, iba na yung saya agad. Susulitin ko nlang ang pagkakataon upang ika'y lubusang makilala sa sandaling panahon. Basta ang isip ko ay punong-puno ng kalituhan.
2 Days left to go. Ngayong araw, sobrang nakakapagod, siguro dala to ng puyat at pagod ko nung linggo. Tapos dagdag pa yung pagod ko sa school, pero hindi sa kaka-aral e, kundi sa kakahintay ng oras para sa susunod na subject. Kaya nga petiks pa buhay ko. HAHA.. Kasi naisisingit ko pang pumageant e. Wala e ginusto ko to. Ginusto ko at nagbabakasakaling magiging isa akong Beauty Queen. Kasi dati hindi sumagi sa isip ko na magpapaka babae ako sa harap ng maraming tao. Ayon so 2 days na lang pre-pageant na. Sobrang kaba na ako, hindi ko pa rin na-aayos yung mga gamit na dadalin ko para sa in-house namin. At lalong hindi ko pa nasasabi sa magulang ko itong in-house at 4 days ako dun, HAHAHAHA.. Ang bait ko ✌😁 Halos late na ako nakakauwi nitong mga nakakakaraang araw kasi, after school training for body physics, tapos catwalk training. Sobrang laki na ng inimprove ko. Simula ng sumali ako sa Reyna ng Bulacan. Madami ng nagsabing babae na eka ako. Kilay on flick eka, madalas kilay goals. Napilitan akong gawin to dahil bukod sa ginusto kong sumali sa pageant na ito, I need to improve something. Sa sobrang kaba ko habang palapit na yung Coronation day. Napapaisip at napapadasal ako na sana maging matagumpay yung gagawin ko sa pag-ikot ng pageant na ito. Sana may mauwi akong bacon. Para din ito sa sarili ko, sa bayan ko, sa pamilya ko at sa Modeling group namin ito. Ngayon ko nasabing hindi pala biro at laro ang mga ganitong bagay. Sabi nga nila "No pain, No gain....." And "Worth the wait......" Which is lahat ng yan totoo. Pag-hihirapan mo talaga ng sobra bago mapasayo e. Masaya ako sa nangyayari sakin. Masaya ako dahil may ganito pala akong talento. Hindi lang ako basta Inhinyero. Isa rin akong Beauty Queen 😁😘💕 Dapat confident lang. 😂✌
June 25, 2016 Eto yung araw na may pageant ako sa Tikay, Malolos. As in One day pageant na mabilis nung araw na iyon lang ang meeting tapos rehearsal na matino tapos na agad. Mga damit kong gagamitin that night rush yung iba nun lang din kinuha. Andong inulan na sila fei makuha lang yung silicon ko kaso nawala rin at naiwan sa bahay nila mami cj. Tapos si dess lumagpas pa sa school kase imbis na sa tikay sya bumama, nakarating ng balagtas kaya pala kame e takang-taka dahil apaka tagal ng byahe nya. Natawa kase ako sa text na na. "Ate Tuktukan na yata ako, malapit na ba yon...? Tuwang-tuwa kami kase lumagpas sya tapos tinawagan ko na lang buti e maparaan yung batang iyon. Nakarating naman sya HAHAHAHA.. Pero epic talaga.... Tapos late na rin ako naayusan. Kase late na sila dumating. Hahahaha.. Apaka epic talaga ng pageant ko kagabi kase andung naging haggard yung make - up artist ko tyaka si Fei halos lahat kami tumatagaktak ang pawis kaso ako nagpapaypay para hindi kumalat yung eye shadow at eye liner. Sobrang init kase sa loob ng dressing room kala mong sauna yung room na ron. HAHAHAHA Unang susuotin. National Costume.. Yung gown na sinuot ko na yon ginamit ko sa cutcot. HAHAHAHA tapos dinagdagan ko nlang ng armor at filipiniana naging modern filipiniana tuloy sya. HAHAHA.. Tapos ade rampa rampa na. After nun Casual na.. Si fei ang nag aayos at nagdedecide ng isusuot at ilalagay na mga accessories sa akin. Kaya sobrang thank you ko don. Tapos nagumpisa akong antukin sa summer wear kase pagod na ako at tyaka di pa ako nakakatulog ng maayos non.. Kase paputol - putol yung tulog ko nun.. Tapos nung formal wear na dito na ako natutulog habang inaayusan ewan ko latang-lata ako kagabi. Napansin nga rin nila... Parang wala daw ako sa mood kapag nasa stage ako. Tyaka apaka epic pa habang parampa na ako yung org. Kinausap yung mga judge ade nawala na talaga ako ng pag-asa hahahaha.. Tapos sila mami nagagalit wag daw ako aalis sa stage hanggang hindi tumitingin yung mga judge.. Tapos ginawa ko nlang paulit ulit ako nag lalakad sa stage. Nagtataka rin kase yung mga nanunuod kung bakit hindi pa ako bumababa hahahaha.. Eksenadora lang ganon. 😂😂😂 After non nag apologized naman yung org. Na dapat nga daw e papaulitin akong rumampa. Sobrang lata ako non kaya ginawa ko naupo na ako dun sa mga maleta sakto may blower at malamig naman yung buga ng hangin ginawa kong fan HAHAHA.. Mainam ng maparaan kesa tumagaktak pawis ko.. Tapos nag online muna ako kahit na malapit ng malowbatt. Yung phone ko.. Hahahaha Biglang bungad sakin yung praise of the day mga ganon. Shinare ko. Tapos nag dasal ako na sana maging successful yung event.. Tapos nung paiglip na ako bigla ba naman tinatawag mga contestant ang balak ko talaga wag na pumunta kase tanggap ko namang hindi ako mapapasama na sa top 10.. Tapos sila kat at des rin tinatamad na sabi ko nlang sigi tara na nga last na naman e HAHAHAHA.. Tapos ayon casual interview.. English english lang hahaha.. Tapos nung nagtatawag na ng top 10 hindi pa ako naniwala na kasama number ko.. Tiningnan ko muna sila mami kung ako ngayon e nakangiti sila tapos inulit-ulit number ko.. Natuwa ako as usual.. Hahaha Nung pagbaba ko balak ko talaga wag ng magpalit ng gown.. Kaso ang ang nangyari nagpalit ng gown sila des at kat so ako rin pinagpalit ng gown simple lang yung gown kaso na conscious ako sa bilbil ko HAHAHAHA.. Ou lahat ng kasama namin na kamodel ko pasok sa top 10 pati lalaki. Kaya tuwang-tuwa rin kami. Tapos puro ako paorient kung paano gagawin ko. Kase first time ko lang maeexperience yung judge ang magtatanong. Nakakapressure kase yung feeling ko. Tapos binigyan ako ng tip ni Mami CJ Basta eka habang nasa stage ka sabihin mo lang Ng paulit-ulit "IN JESUS NAME".. Tapos ayon buti nlang by number yung sasagot hahahaha.. Kase number 13 ako pangalawa sa huli. 😁😁😁 Kinabahan ako nung una pero madali naman pala mga tanong ng mga judge habang nagtatanong yung mga judge sa ibang kasama sa top 10 kami naman ni agnes e sumasagot hahahaha.. Practice ganon 😁😁 Tapos nung ako na lintek kaba ko baka pahirapan ako e. Tapos bulong ako ng bulong ng In Jesus Name. Kaso ayon nabunot ko judge number 1. Nagexpect ako na uulitin yung tanong pero hindi na pala HAHAHA.. Kaya maiksi lang nasagot ko hahahaha.. Ang tanong kase sakin.. Judge: what do you prepare to love or to be love? Me: Thank you verymuch to your wonderful question., ang pipiliin ko po ay ang magmahal. Bakit? Dahil gusto ko pong magmahal sa mga taong nangangailangan nito, sapagkat sa panahon ngayon karamihan ay patuloy pa ring umaasa na mamahalin sila. Yun lamang po at maraming salamat. Tapos biglang nagtawanan yung mga judge so sabi ko syet! Kulang yung nasabi ko.. Pagbalik ko sa pwesto ko nasabi ko nlang sayang dapat dinagdag ko yung dahil ang panginoong diyos ay kailanamn hindi napagod na mahalin tayo. Pero nasabi ko nlang na ayos na yon kinabahan kase ako sa judge na yon e 😂😂😂 Tapos pagkababa namin niyakap ko sila mami sabi ko mami thank you po. And pasensya na rin kinabahan ako e. Sabi nila ok lang yung sagot mo nasa safe ka naman e. Tapos nung awarding na grabe hindi ako kinakabahan tapos sabi ko Lord kahit po sana pang 5th lang ayos na. Tapos ayon nung inannounce sa 4th Runner Up na number ko pala binanggit ang tagal kong mapunta sa harap kase baka naiba lang ako ng rinig e inulit trese eka. Napa thank you lord ako. Grabe ang bilis nya talaga magresponse. Sabi na nga ba e dapat lagi lang isama ang faith kay God para safe lahat. Dahil hindi naman nya ibibigay yun kung hindi makabubuti. Sobrang natuwa lang ako kase. Hindi ko expected yung nangyari. Nandun sa point na gusto ko ng sumuko sa laban kaso may biglang papasok sa isip ko na bakit? Bakit ba ako nandoon hindi ba't para lumaban. Kaya dapat ang una sa sarili ay tiwala. Sobrang thankful ako kay Fei dahil may bestfriend ako na hindi lang stage bff. Kundi stylists pa sa mga susuotin ko. Hahaha.. All in one na po sya. Kay mami CJ na halos mabadtrip sa sobrang init nung room pero nagawa pa rin nyang magtyaga sa init para lang mamake-upan ako HAHAHAHA.. And kay mami Ahron dahil nagtitiwala sya sa kakayahan ko. At syempre kay God na laging nakagabay na ating lahat. Grabe yung blessings.. Sobrang thank you po Lord.
Hi Nanay Happy Mother’s Day. You know what, i really miss your hugs and kisses. I miss my crazy cool nanay. Kahit na sobra akong pasaway sayo. Hindi ka pa rin tumitigil sa pagpapangaral mo sa aming magkapatid. Yung sobrang haba ng pasensya mo sa tuwing parang piano kaming tatlo nila tatay at kuya sa pagiging pasaway. Yung ikaw yung maguumpisa ng kaharutan para maingay ang bahay. Sa tuwing umaarte ako na nauntog ako ng malakas para lang mabili mo yung gusto ko. Sa tuwing may bago kang menu sa hapag kainan. O di naman kaya kapag may gusto kang puntahan na kailangan mo ng support namin para pumayag si tatay.
Sobraaaaaaa naming namimiss yon. Nanay salamat po sa supporta. Sa supporta sa kung ano ang gusto naming magkapatid sa buhay. Yung mga pangarap namin. Salamat dahil kayo ni tatay ang magulang namin. Hindi nila alam kung ano ang feeling na may halong pagkabaliw na pamilya HAHAHAHAHA. Salamat po nanay sa lahat ng sakripisyo. Alam ko pong mahirap ang buhay sa malayo ang pamilya. Konting tiis na lang nanay. Ako naman po yung magbibigay ligaya sa inyong mga labi. Magiging sulit ang lahat ng pinaghirapan nyo. Hindi lang po ito para sa sarili ko, bagkus ay para po ito sa pamilya natin. Sobrang mahal na mahal kita nanay. Alam mo naman lahat ng kwento ng buhay ko. Hahahahaha..
Palagi ka po sanang mag-iingat dyan ha. Sana nasa tamang oras ka kumakain. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin. Wag kang papaapekto sa mga taong may crab mentality. Lagi nating kasama si God para ma-guide nya tayo sa way of success natin. Nanay I love you and I miss you so much!💕💋👸 Ikaw ang tunay na reyna ng ating tahanan.
this is it.
Kasi may deal kami ng Nanay ko. na kapag naipasa ko daw yung summer class ko pupuntahan ko daw sya dun. so sabi ko sigi deal. Basta kako punta kami sa Universal Studio yung replica ng Harry Potter. Tapos sa One Piece World. Napaka tagal ko ng gustong pumunta dun sa Thousand Sunny nila kase napaka laki daw nun sabi ng nanay ko.
Iniisip ko nga yung magiging reaksyon ko, kase mag-isa akong bbyahe papunta sa kanya, tapos wala manlang akong makakadaldalan sa byahe mga ganun. HAHAHA.. hanggang byahe ba naman kadaldalan pa rin hinahanap ko. Baka kase maligaw ako, ayoko pa naman mag tanong sa kanila kase nga hapon lengwahe HAHAHAHA..
Tapos ayun na nga, wala pa naman ako sa kalahati ng Summer Class ko e, sabi ng nanay ko magpapasa na daw sya ng mga papeles, Invitation kumbaga para nga daw makuha ko Visa ko. Jusko nag-niningning mata ko sabi ko na lang so this is real na real? HAHAHAHAHA..
Pero sa totoo lang ayoko pa, kase gusto kong mag trabaho na muna. Kasi nga may Exam kami ng Battery Exam para sa 3rd Year hahaha.. Basta ang gulo-gulo ng feeling ko kung oo ba o hindi e.
Enjoyin ko muna tong Summer Class HAHAHAHAHA.. Bakit ba kasi yung prof. na yon ang hirap magpaexam eto tuloy ako.. Hello Summer Class HAHAHAHAHA..
Gusto lang naman ng nanay ko mawala yung stress ko sa buong katawan. Alam nya kase mga pinag-dadaanan ko.
Well Thankful ako dahil sila yung naging magulang ko. Apaka supportive ng pamilya ko. Hindi ko na sasayangin itong mga opportunity na ibinibigay nyo sa akin Nay Tay. Konting tiis na lang Graduate na ULIT ako :D
masasabi ko rin sa inyo yung “Nay Tay Ako naman po :) ” Ako naman po yung mag ttrabaho pero this time para sa inyo. Ako naman po yung magbibigay para sa kaligayahan nyo Ako naman po yung susuporta sa mga gusto nyo Ako naman po yung mag-aalaga ng walang kapalit sa inyo Ako naman po...
Alam kong matagl-tagal pa lalakbayin ko. Pero worth the wait naman for sure.