RF: Ayoko sa lalaking sobrang madaldal.
Okay lang kung kaibigan ko pero kung sa kani kanino nalang? mygad. Kung sa mga kaibigan niya, syempre okay din naman. Alangan naman lagyan ko ng tape bibig niya. Ang ayoko lang yung lalaking dadaldal sa harap ng kaibigan niya na may kasamang ibang tao na hindi naman niya kilala. Tapos kung anu-anong pinagsasasabi. Bulag? Hindi mo nakitang may ibang tao? O baka naman nagmamayabang ka lang? O come on, lalaki ka ba talaga? Alam kung wala akong karapatan na pakialam ang ganitong ugali ng ibang tao pero please, kahit kaunting respeto lang para sa sarili mo.










