SORRY KUNG MINSAN HINDI KO NA KAYO MAPAGBIGYAN.
Ang daming dahilan eh. Minsan kasi hindi ko na talaga kayang gawin o ayoko talagang gawin. Hindi naman ako nagdadamot o namimili ng taong tinutulungan. Kaso ayoko na na aasa lang kayo sakin. Hindi naman kasi lahat kaya ko eh. Sorry talaga. Kasi halos lahat ngayon tinatanggihan ko na. Para fair lang. Isa pa marami rin akong personal na problema at mga gawain. Kaya ang hirap para sa akin na pati problema ng iba eh problemahin ko pa. Alam ko nasanay kayo na lagi akong tumutulong. Nagkamali ako. Dapat pala hindi ko kayo ini-spoiled. Kasi parang pag hindi ko kayo napagbibigyan ang sama-sama na ng loob niyo. Grabe ha. Parang hindi sumasama ang loob ko kapag nag-iinarte kayo ng ganyan. Hehe. Love ko naman kayo eh. Gusto ko lang ma-relax. Alam niyo naman kung gaano ang ginagawa kong pagsisikap para sa sarili ko at sa future ko di ba? Intindihin lang muna natin ang isa't-isa. Malalaki na tayo. Wag na tayong magbalik sa pagbubuhay 3 years old. :) Alam niyo naman kung sino kayo eh. Kung sakaling mabasa niyo ito, lilinawin ko lang hindi ako galit, although medyo masama ang loob ko, pero mawawala din naman to. Gusto ko lang din na maintindihan niyo ako sa ngayon. Dapat nga yung mga ganitong sitwasyon eh hindi na pinaguusapan pa. Di bale pag nakausap ko kayo, sasabihin ko rin ito sa harap niyo. :')











