MAGLAHO 😢
Parang mas mabuti kung mawala na lang
Walang araw na hindi inisip na sana'y maglaho na lang
Nakakapagod at parang walang katapusan
Hindi ba maaaring lumayo at lumisan?
Hanggang kailan nga ba kayang tiisin
Mga problema'y nais ng lisanin
Araw-araw ang mga mata'y umuulan
Na parang ang lahat ay wala ng hangganan
Saan nga ba patutungo?
Nais na lang maglaho.













