Bibitaw ako hindi para sayo...
By: Joy Daradar
Naiisip kita, walang segundo, minuto at oras ngayong araw na hindi kita naisip, pero magtitiis ako.
Namimiss kita, namimiss ko yung mga ngiti mo na bumubuo ng araw ko, yung joke mong nagpapahalakhak sakin ng todo, yung mga hawak mo sa kamay ko na nagsasabing safe ako, yung pag-akbay mo sa'kin na nangangahulagang sa'yo ako, at yung mga titig mong nagsasabi na mahal mo'ko ng totoo, pero magtiis ako.
Nasasaktan ako, nasasaktan ako sa mga pambabalewala mo, sa simpleng mga bagay na ginagawa mo nasasaktan ako! Oo masakit! Alam mo naman diba? Pero bakit wala kang ginagawa! Bakit patuloy mo'kong binabalewala.
Kaya, simula kahapon hanggang sa oras na'to at sa mga susunod pang araw na kaya ko, magtitiis ako, magtitiis ako na hindi humabol, magtitiis akong masaktan ng ganito para malaman mo yung pagkukulang mo, pero kapag sumuko ako at napagod sa paghihintay na ako naman ang suyuin mo, bibitaw na ako.
Bibitawan ko yung mga pangarap ko na para sa'tin , mga planong binuo ko na kasama ka, mga pangako natin sa isa't isa nung tayo ay masaya pa. Bibitawan ko yung natitirang pag-asa na maging okay tayo, na babalik tayo sa dating tayo, na magiging masaya tayo katulad nung tayo palang ay bago.
Bibitaw ako hindi dahil sa hindi na kita mahal, bibitaw ako hindi dahil sa sumusuko ako, bibitaw ako hindi dahil sa nasaktan mo ako, bibitaw ako hindi dahil sa hindi ko na kayang lumaban, at bibitaw ako hindi dahil sa gusto na kitang iwan. Bibitaw ako dahil yun ang dapat, yung pagbitaw na dapat sa unang araw palang nung ako'y iyong hinayaang kumawala. Ako'y bumitaw na dapat.














