Natutunan ko sa Pag-ibig :)
Makinig . isa sa pinakamahalagang bagay na maibibigay mo sa kasintahan mo ay ang pakikinig sa kanya ng taos puso. Dito mo lang kasi malalaman ang tunay niyang nararamdaman. Makinig ka gamit ang tenga, utak at puso.
Magsalita . sabihin mo kung ano ang nararamdaman mo. Hindi lagi pahulaan ang pag-ibig. Minsan mas maganda na naririnig niya mula sa'yo ang bugso ng damdamin mo. Huwag mong kimkimin , dahil ikaw ang lalamunin ng lahat ng ito.
Magbigay . magbigay ka nang bukal sa loob--na walang hinihinging kapalit.
Magbahagi . ibahagi mo kung anong meron ka. Tulungan niyo ang isa't isa na itaas ang sarili. :)
Magsaya . magsaya lang. :) dapat sinusulit nga magkasintahan ang mga oras na magkasama sila.
Magtiwala . isa sa mga bagay na MAHIRAP ibalik ay ang pagtitiwala. Kapag nawala ito, punung-puno ka na ng pagdududa.. hindi mo na alam kung saan ka hahagilap ng paraan para lang punan ang nawalang tiwala.
Magpatawad . matuto tayong intindihan ang kahinaan at pagkakamali ng kasintahan natin. Oo, umaasa tayo at gusto natin na magiging perpekto ang lahat, pero sadyang may mga problema na darating para subukan ang paninindigan ng magkasintahan, sa puntong ito.. may mga bumibigay at nagpapatalo sa temtasyon..
Mangako . ang mga pangako ang magsisilbing GOAL ng magkasintahan :). naniniwala ako na hindi ginawa ang pangako para baliin. Ginawa ito para subukan ang tao kung hanggang saan ang kanyang paninindigan.
Manalangin . magpasalamat sa bawat araw na kasama mo siya. At manalangin sa gabay ng Panginoon. 0:)
Magmahal pa. :) ito ang pinakamasarap na gawin.. :)