Dahil May Mga Taong Manggagamit
Halos lahat ng officemates ko ay nakakausap at nakakaasaran ko maliban sa isang grupo.
Sila yung grupong kahit ngitian mo ay di sila ngingiti sayo. Sila yung taong pag nag-"hi" ka sa kanila ay di kanila papansinin. Sila yung laging nakasimangot. Kakausapin ka lang nila pag tungkol sa trabaho.
After ng outing namin ay laking gulat ko dahil dalawa sa kanilang group ang nag-add sakin sa Facebook. Pagkatapos nila akong in-add ay nag-"hello" na sila sakin every morning. O diba nagkaron ako ng bagong friend? Aba friendly naman pala sila. Masarap kaya ang pakiramdam na magkaron ng bagong kaibigan. At magaan din sa loob kung lahat ng ka-opisina mo ay nakangiti sayo lagi.
Yun ang akala ko. Eto na, laking gulat ko dahil after a week na i-confirm ko ang invitation nila ay wala na sila sa friend list ko. Ayun naman pala. In-add nila ako para ma-copy and paste ang photos nila sa album ko. After a week, na delete na nila sa friend list nila at bumalik na sila sa dating simangot.
Actually, wala namang kaso sakin kung di nila ako kino-consider na friend nila. Asus andami ko kayang friends. Kaso lang feeling ko nagamit ako. Ina-add lang nila para pictures. Hay ang ibang tao nga naman.. Tsk tsk.