Gusto Ko, Pero Hindi Mangyari
"Nasasaktan ako dahil wala akong magawa. Kahit pinipilit ko, hindi ko makaya..."
Isang araw, nag-eensayo kami ng mga kaibigan ko na sina Pearl, Alex at Heather. Kasama rin si Bryan na nagtuturo sa amin ng sayaw para sa nalalapit na okasyon. Napakasaya ko noon dahil, ngayon na lang ulit ako makakasayaw sa entablado kung kaya't kaming lahat ay maiging nag-ensayo.
Ilang beses na ipinakita sa amin ni Bryan ang steps pero tila ako na lang yata ang hindi pa makakuha.
"Bryan, hindi ko talaga makuha 'yang part na iyan." Sabi ko kay Bryan.
"O sige, ganito lang iyon." Bigla niyang dinahan dahan ang paggalaw.
Habang tinuturuan ako ni Bryan, naririnig ko sila na nag-uusap.
"Hindi makuha ni John." Sabi ni Pearl kay Alex na natatawa. "Sino ba ang pinakamagaling na sumayaw?" Dugtong nito. "Si Heather yata ang pinakamagaling sa atin eh." Hindi pa man nasasagot ni Alex ang tanong, agad ng sinabi ni Pearl ang pangalan.
Sa pagkakataon na iyon, para akong nawalan ng gana kasi hindi pa rin talaga ako makasabay. Nasasaktan ako dahil wala akong magawa. Kahit pinipilit ko, hindi ko makaya. Bakit ba nahihirapan na akong sumayaw?
Nang sinimulan na ulit ang practice, biglang bumulong sa akin si Pearl.
"John, may nakita akong multo na pumasok sa kaliwang kwarto." Hindi ako kinabahan ng kahit kaunti sa sinabi ni Pearl dahil pakiramdam ko 'yon na talaga ang sasabihin niya.
Lakas loob akong sumaglit sa pag-eensayo upang sumilip sa nakita ni Pearl. Wala akong naramdaman na kahit kaunting takot. Hindi rin ako nag-alangan na itigil iyon.
Dinalian ko ang pagpunta doon. Bago pa man ako makapasok sa loob, dumilim na ang kwarto at kasabay nito ay nakita ko ang isang babaeng maiksi ang suot at nakatayo sa isang upuan. Sa oras lang na 'yon ako nakaramdam ng matinding kaba na waring naghahabol ng hininga at doon ko rin nalaman na ako ay nababangungot lang pala...
Hindi na bago sa akin ang mabangungot pero may mga bagay na kakaiba rito kumpara sa mga naging panaginip ko:
Nakakasabay lagi ako sa pagsayaw tuwing nananaginip ako ng ganito pero dito ay hindi...
Natatandaa ko pa rin ang mga steps na itinuro pagkagising ko. Usually, nakakalimutan ko talaga.
Nananaginip ako na may multo pero unang beses ko pa lang nakakita nito.
NOTE: Sa totoong buhay, hindi talaga kilala nina Alex at Pearl sina Bryan at Heather. Ganun din naman sila.