My March 17, 2014 (Another day, Another life) I am grateful!
Matapos akong mawala sa bahay ng 2 araw kasi last Saturday maaga ako umalis ng bahay around 2pm. May kailangan kasi ako puntahan isa sa mga hakbang para matupad un mga pangarap ko. Kung ano yun? Secret muna po! Pero I am asking for your prayers and support on this.
After that ay diretso na ako sa office sa Shaw para sa aming RDOT. Trivia first time ko po gagawin yun pumasok sa scheduled OT namin. Kadalasan kasi missing in action ako. Buti nga wala ako events that day at talagang makakapasok ako. Nasabi ko nadin kasi sa TL na magduty that time at sa mga kasamahan ko na darating ako. So ayoko masira sa salita :))
Nakakatawa lang kasi bago ako makarating mismo sa loob ng work place ko ay ang dami ko pa dinaanan. Sabi ko kasi since maaga pa punta muna ako sa SM North at makapaglaro ng Just Dance. Kaso may naglalaro pa na guy for mga 40mins pa un aantayin for the next tapos ang dami padin nag-aabangan. Kaya I decided na sa may Starmall nalang sa Shaw maglaro. Kaso pagdating ko dun halos wala na oras 8pm kasi un pasok ko. Ayun pinili ko nalang magdinner sabi ko since miss ko na kumain sa Bon Chon ay doon ako kakain.
Noong nakapila na ako I am just checking my News Feed on Facebook tapos gulat ako sa status ni Ate Aril Daine na nasa Megamall daw siya nagkakape. Syempre ako naman si curious saan? Comment agad at napag-alamanan ko na nasa Starbucks siya. Kaso di ko alam saan building. Pero it doesn't matter basta si ako naman naglakad from Starmall to Megamall wala lang para makita lang siya. Di ko alam pero sa totoo mas sobra na ata ako magFANGirl sa mga Wattpad authors kaysa sa mga Artists talaga na sinusupport ko. LOL!
Sa kadahilan di ko alam nasaan Starbucks si Ate Aril ay talagang yun 2 SB sa Mega ay dinaanan ko. Nakakatawa since sa social media lang kami nagkakausap ay doon ko din siya tinatanong. Nakakaloka! Para kaming naglalaro ng Hide and Seek. I am waiting for her response sa Facebook or Twitter pero waley. Nasa Starbucks na ako sa may 4th floor noong medyo pinanghihinaan na ako ng loob sabi ko mag-restroom muna ako bago balik nalang ulit ako sa office. Nang bigla ko nakita un naka-pink na girl. I guess nakilala ko siya dahil sa hair. Since yun upuan nila ay malapit sa restroom kaya pagdaan ko confirmed siya nga.
Kaya ayun bago ako bumalik sa office binati ko nadin siya. She's with 2 girls. Ayun usap ng kaunti. Natawa pa nga siya kasi daw andami ko work. Haha! I explained kasi na sa Pandayan I am one of the social media people and do some articles. Tapos at night nga I work sa BPO.
Ayun saglit na saglit lang talaga un usapan sabi ko nga din kasi na papasok pa ako. Sayang wala kami picture pangalawa na sana yun. Kaso hiya ako sa 2 girls na kasama niya that time. Ahihihi! Ayun buong gabi nasa office lang trabaho mode. Kinabukasan ay nag-ayos ako ng gamit at sarili para naman sa activity ko that day ayun ay ang maging volunteer sa Pasinaya 2014. Sunod ko na ikwento yun mga nangyari dito ah. Baka di na matapos yun blog ko na to. Haha! Basta around 3pm umalis nadin me doon at dumiretso sa Victory Pioneer. Sabi ko nga yan ang bagay na di ko kakalimutan gawin every Sunday ang magchurch.
Dahil nga siguro sa pagod nakatulog ako sa MRT papunta ng Boni paggising ko Santolan na. Kaloka!
After church na kung saan ramdam ko na I am blessed again. Alam niyo un feeling na madami ka natutunan at na-realized ay ang sarap at gaan sa pakiramdam. Syempre oras na para umuwi at ayun nagbihis lang sinaksak yun mga cellphones ko na lowbatt at ayun mga 8pm talagang borlogs na ako. Ikaw ba naman ang almost 48 hours na gising at punong puno ng activities ay sino di mapapagod diba?
First part palang ng story yan. Ano daw? Kasi binalikan lang natin kung bakit ako tulog for 15 hours e. Na pinilit ko nalang din ang sarili ko na bumangon kasi iniisip ko din na marami pa ako gagawin. 3 araw ako walang posts na articles. LAGOT! Baka mapatalsik na ako sa Pandayan nito. Kaya bawi bawi din pag may time. Ayun paggising check muna ng notifications :P Nagligpit ng kama, kumain ng breakfast (kape tsaka pandesal).
Pero diba ang purpose kaya ako nagising ng maaga ay para gumawa ng trabaho. Aysus ano ginawa ko nagcheck ng mga missed posts sa Instagram. Feeling ko kasi andami ko na di nakita. Nag-eenjoy kasi ako tignan un mga pictures and videos ng followings ko. Tsaka ito sinipag ako magsulat ng blog kaya hanggang ngayon nasa utak ko padin yun mga isusulat ko o ideas na mga iposts ko.
Pero sige ito na magsisimula na talaga ako kasama ang magagandang music at malamig ice tea. Kahit na parang feeling ko di ko rin magawa dahil sa mga naiisip at pasulpot sulpot ko na gagawin. Di ko pa natatapos yun pagcheck ng Instagram posts, Boboto pa ako sa MYX Music Awards at sa ngayon nagRadio Tour si Bea Binene sa kadahilanan di ko alam. Pero support support din pag may time. Pero sige sasabayan ko na ng gawa baka kasi wala na naman ako matapos mamayang gabi at ako ay papasok na ulit ako.
Basta ang araw na ito for me ay panibago na kung saan masaya ako at thankful kahit ano mangyari. Sana ay ganun din kayo :D Mapuno ng pag-asa at determinasyon.