Ok so I am being emotional right now. Naalala ko kasi yung eksena kagabi sa ginebra vs san miguel game. The crowd was chanting "Jayjay! Jayjay!" And then with a few minutes left in the game, coach Tim brought Jayjay and Mark back on court. Kagabi, when watching those moments, I was just laughing. I found it funny kasi kapag nagchachant ng "Jayjay!" yung crowd, the camera would focus on Jayjay and Mark (na nasa bench) tapos kinukulit ni Mark si Jayjay. Ang kulit nila kaya natatawa ako. And now, kapag inaalala ko yun, dun lang nagsisink in sakin. Yung fact na ang players na minsang inaabangan at most of the time naglalaro sa court, ngayon, ilang minutes na lang ang nalalaro. Na ang players na hinahangaan at sinusubaybayan ko simula pa noon, kasabay ko din palang tumatanda. Their retirement can happen anytime. At naiiyak ako. Akalain mong sa pagchachant lang ng crowd ng "Jayjay", ang dami ko nang naramdaman. It taught me that starting now, I must cherish every single play time of Jayjay, or even Mark, and most importantly the two of them together, on court. Kasi nga aaminin ko na na madalang na sila ipasok at paglaruin. Kasi nga aaminin ko na na malapit na sila magretire. Kasi nga aaminin ko na na mamimiss ko sila. They are the ones who completed my childhood. Them and the team. At normal para sa kagaya kong fan na fan noon (at ngayon) to feel and be 'emo'. The fast and the furious of PBA. The backcourt tandem of Ginebra. The bandana brothers. The bestfriends. THE Jayjay Helterbrand and THE Mark Caguioa. You two will forever be in my heart. You two will forever be the greatest basketballers for me. You two. Sana magkapicture ako sa inyong dalawa in a single photo. Haaayy. Tumatanda na nga ako. Parang kelan lang..