helpless
Sabihan mo na ‘kong tanga, bobo, uto-uto, manhid at kahit ano pa wala akong pake, mahal ko yung tao eh.
Lahat ng tao nakakarma, kaya siguro karma ko na tong nangyayari sakin ngayon. Karma ko to dahil sa ginawa ko noon. Hindi ko na alam kung anong pumapasok sa isip ko ngayon pero gusto ko mailabas to.
Dahil wala akong ibang choice kundi tanggapin ang kamalasan ko. Tinatanggap ko lahat ng pananakit mo, suntok, tadyak, sampal, sabunot, kurot, at hampas. Daig ko pa sumali sa boxing tuwing uuwi ako sa bahay.Hindi lang puso ko masakit pati na rin katawan ko. Madalas na ina-almusal at gabihan ko yung mga mura na natatanggap ko. Putangina ko, tangina ko, pokpok ako, malandi ako. Hindi ko alam kung paano mo nasabi yan kasi ni isang lalaki wala naman akong nakausap. Paano ako naging malandi? Hindi ko alam. Iyak ako ng iyak, pero wala namang nagawa yon para tumigil ka. Minsan gusto kong bumitaw pero wala. Nangingibabaw sa isip ko yung kung paano tayo nagsimula, memories at mga pinagdadaanan mo kasi marami kang problema....
Kaya sa huli, mayroon paring tayo na masaya at kakalimutan ang mga nangyari.
Hindi ko alam kung paano nangayari na wala ng natirang awa para sa sarili ko. Hindi ko na inisip ang sarili ko, kasi lahat na naibigay at nakatuon sayo kasi mahal kita. Oo, mahal kita. Siguro yun nalang pinanghahawakan kaya hanggang ngayon hindi ako bumibitaw sayo.
Alam kong mali pero tuloy-tuloy parin tayo. Bakit hindi mo maisip na may mali ka rin?












