We are all fundamentally LONELY. However, just being nice and performing daily acts of kindness can help the humanity in us more than those lives we touched.
Monterey Bay Aquarium
No title available
hello vonnie

Jar Jar Binks Fan Club
Doug Jones
Interview Vampire Daily
RMH
Xuebing Du
The Stonewall Inn
noise dept.

Andulka

Product Placement
No title available
TMBGareOK. The Official They Might Be Giants tumblr
Keni

No title available
EXPECTATIONS
Lint Roller? I Barely Know Her
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
Mike Driver

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Singapore
seen from United States
seen from United States

seen from Brazil
seen from Brazil
seen from United States
seen from United Kingdom
seen from Belgium
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Paraguay
seen from United States

seen from United States
seen from Sweden
seen from United States
@theironyofaprivatelife
We are all fundamentally LONELY. However, just being nice and performing daily acts of kindness can help the humanity in us more than those lives we touched.
If this video doesn't make you think twice about using your cell phone, nothing will.
self-worth should not be measured by the likes and followers.
Ang buhay parang antayan ng bus.
Pauwi ako ng Glendale mula UCLA. Normally, sinusundo ako ng Daddy ko pero nung araw na yun tinatamad sya kaya nagbus nalang ako. As usual, I took my sweet ass time in packing and gathering my essentials kahit alam ko na weekend lang naman ako magstay so no need to pack heavy.
Malayo kasi yung stop ng specific bus ko mula sa dorm ko kaya medyo matagal din ang lakad. Mula sa malayo, nakita ko nang paparating yung bus pero tumigil ito across the street dahil sa red light. Kahit nakatigil sya sa red light, naiisip ko na sa layo ko at sa bagal ko maglakad, hindi ko na aabutan yung bus. Hindi ko na rin sinubukan tumakbo talagang nagsurrender na ako at tinanggap na kailangan ko mag-antay for the next bus… You must understand my frustration with myself at that point. Hindi ito isolated case. Ilang beses ko nang namiss ang bus ko by matter of minutes, minsan seconds pa nga. As in, kitang-kita ko na, nawala pa. And every time this happens, I can’t help but be frustrated with myself and think “kung one minute early lang sana ako… Kung binilisan ko lang maglakad sana kahit kaunti, naabutan ko sana yung bus.” At tuwing nangyayari ito, lagi kong naiisip kung paano karamihan din ng pangyayari sa buhay parang antayan ng bus. Yung bus parang mga opportunity sa buhay. Minsan para bang abot-kamay mo na pero kung hindi mo bilisan maglakad mamimiss mo yung opportunity. Sure, kagaya ng bus, there will be another opportunity to come PERO ang bus consistent at guaranteed ang dating (antay ka lang ng ilang minuto), ang opportunities hindi mo alam kung kailan ulit dadating. Yung bus para ding love yan. Minsan kitang-kita mo na. Habang papalapit ka, na-iimagine mo na yung journey nyo together. Parang alam mo na na ito na nga ang bus na para sa iyo pero sa huli, wrong timing ka naman. Napag-iwanan ka ng bus kasi mabagal ka, torpe, natatakot, distracted o baka may nauna nang sumakay sayo.
…pero isang himala, matagal yung red light at biro mo, NAABUTAN KO PA YUNG BUS! First time lang nangyari sakin ito at sobrang naswerte lang talaga. Pakiramdam ko tumama ako sa Lotto! Habang nakasakay ako sa bus, naisip ko “this is where I am supposed to be. This is where God meant for me to be.” Everything happens for a reason. Some opportunities/person may be meant to be in your life or not… but trust, that you are were you are suppose to be.
THE GREATEST IRONY OF LOVE
Loving the right person at the wrong time.
Having the wrong person when the time is right.
And finding out you love someone right after that person walks out of your life.
Two things define you: Your patience when you have nothing, and your attitude when you have everything.
Sleepless Nights in Neverland
Yung alas tres na ng umaga pero buhay parin ang diwa mo… Pumipikit ka pero hindi ka dalawin ng antok. Hindi mo naman alam kung bakit pero gising na gising lang ang utak mo kahit komportable at handa nang humimbing yung katawan mo.
The chemistry of what causes new and old book smells
It's choice, not chance, that determines your destiny
Sometimes we need to be reminded that love comes in different ways and forms <3
Wise words... Wise words! Everything that seemed such a big deal suddenly becomes inconsequential as one grows older.
What a beautiful couple and a breath-taking bride :) They seem to really compliment each other. The feels!
Unrequited Love
Gasgas at sirang plaka na ang phrase na “unrequited love” sa kasaysayan ng LOVE. Lahat na ata ng umibig at umiibig pinagdaan ito. At parang sakit lang ang unrequited love, mararamdaman mo ang symptoms, signs at kung minsan parang may taning pa. Sa libo-libong nabibiktima ng unrequited love, aakalain mo na naisipan na ng mabisang lunas ang epidemic na ito.
Pero seriyoso lang… Unrequited love. Ang saklap! Unreturned, unacknowledge, un-confessed, ang sakit! Pero kung suki ka na sa unrequited love, nasasanay ka na rin… Kunwari! Ang unrequited love parang paulit-ulit na cycle yan. You get interested. He starts occupying your thoughts. You start thinking of possibilities. You develop a crush then you convince yourself that you are falling in love. You always want to be by their side. You want to hear about their day and their every thought. Ang mga tulong at support na binibigay, effort na effort. Yun nga lang friend ka lang. Handaang mag-antay sa sidelines at umaasa na balang araw makagraduate ka rin mula sa academy of unrequited love kung saan ikaw ang valedictorian.
Yung tipong umaasa ka pero bago ka makaporma, SPLAT! Kung ano mang aso ng pag-asa na meron ka biglang matatapakan. Hanggang yung confidence mo at chance na magconfess, lumiit na at tuluyan nang nagtago sa kaibuturan ng puso mo at tutubo bilang isang unrequited love.
Ang mahirap pa sa unrequited love, Wala kang pwedeng sisihin kung hindi ang sarili mo. Hindi namang parang nakakontrata ka at hindi naman parang kaluluwa mo ang kapalit kung itiigil mo na ang umasa (kahit minsan parang ito ang pakiramdam). Wala namang pumilit sa iyo. Pwedeng huminto kung kelan gusto pero yun ang problema. Ano nga ba ang gusto? Hindi pwedeng sisihin si crush kasi ikaw naman ang may gusto nito. Kaya pagtinamaan ng heartbreak, sobrang sakit kasi alam mo na ikaw din ang naglagay sa sarili mo sa sitwasyon na iyon. Alam mo na na delikado at baka walang puntahan pero ayun sugod pa rin! Yung tipong “i would rather be by your side and admire from a far than none at all” YUN OH! WAGAS!
Haay, ewan! Sarap iumpog ang ulo ko sa pader! Hindi ko alam kung ano ang mas masakit.
a GAME called "LOVE"
Sarap ng bakasyon! Sarap ng maraming free time! Pero hindi yan ang point ng kwento ko. Napapaside convo lang para merong segway hahaha :P Dahil sa wakas nagkaroon din ako ng oras makipaghang-out sa mga tao (hindi na alila ng eskwela... kahit isang linggo lang), nagyaya yung isa kong kaibigan (na ating itago sa alias na Juan) na mag-lunch. Nagulat ako nang biglang bumanat at nagtanong kung pwede daw ba siyang magdala ng kasama. Siyempre na-intriga ako. Biglang gulat na lang ng eyeball ko, na girl na friend pala ang kasama. Sa isip ko, "ito nanaman po tayo, third-wheel to the max!" Surprise pakilala sakin. Kahit hindi niya sabihin, alam kong ito si 'special someone' pero siyempre, act cool lang ako the whole time... kunwari nagmamaang-maang at hindi alam kahit alam naming dalawa na ALAM NA! Ngunit kagaya ng karamihan sa murang pag-ibig... IT'S COMPLICATED. Sila na parang hindi sila. "Chill" lang daw (-__-). Kaya nga talamak ang global warming ngayon, dahil kahit kailang hindi nagwowork ang 'chill' lang. Sa simula, nagpapakiramdaman pa. Awkward!, kasi hindi alam kung anong pwedeng pag-usapan. Pati ata ang lakas ng chismisan ng mga langgam dumaig pa dahil sa awkward silence na nangingibabaw. Hindi nagtagal, nagsimula na ang "small talk" stage para punan ang growing silence. "Ilang taon ka na?" "Paano kayo nagkakilala?" "saan ka nag-aaral?" "saan ka nakatira?" "anong mga pangarap mo sa buhay?" "anong bank account number mo?" "anong password ng facebook mo?" "how can you contribute to the progression and revitalization of the American government?". Kahit ano na, basta may mapag-usapan lang. Hanggang na-uwi na ang usapan sa pinaka-juicy at pinaka-nakakaintrigang topic *drumroll please*... "KAMUSTA ANG LOVE LIFE?" Kung hindi ka private at closed-off na tao, Love life ang topic na kahit sino pang kausap mo, relate na relate! ako: may boyfriend ka ba? special someone ni Juan: wala, ayoko nang commitment. **nagulat ako, akala ko kasi merong 'thing' sila ni Juan** ako: so ayaw mo ma-in love o magkaboyfriend? special someone ni Juan: ang hinahanap ko na kasi yung pangmatagalan
HUH?! ano daw?!!! naglolokohan tayo ate?! AYY! si special someone paasa pala! Kahit ako nalito para kay Juan, kasi may sasabihin si special someone na sweet at parang special kay Juan. Yung tipong mapapa-isip ka na, "ayan, may potential. Nagrereciprocate!" Tapos biglang magsasabi na "ayoko nang commitment." She gives Juan something to hold on to in order to keep him hooked pero wala palang planong magcommit. Ang masaklap pa, nag confess na pala si Juan kay special someone pero tumanggi si special someone. So all this time, alam ni special someone na habang binibitawan niya ang mga tumatagos na mga salitang iyon, tinatamaan si Juan. Yung tipon nagpaparanig lang siya kay Juan para magselos. Pero tuloy parin si special someone... FIRE IN THE HOLE! KABOOOOOM!!! Kahit ako tinamaan ng mga ligaw na bala niya sa sobrang talas. Kahit ako nalilito! Iba ang sinasabi pero kung magparamdam GRABE! GRABE! Si special someone, flirt skill LEVEL 10000 AND she was KILLING it! Maka-take notes nga for the future.. hahaha!
Kakaibang experience lang sakin. Bilang isang mamayang umibig, umiibig at iibig. Narealize ko na sa pag-ibig dapat ACTION should match your WORDS. Kung commit, COMMIT! Kung ayaw, LET IT GO! Wag nang subukang gawing GAME ang PAG-IBIG dahil kung tutuusin ang totoong panalo ay hindi naman kung sino ang may control sa relationship. Ang totoong panalo ay yung umiibig ng buong puso at totoo.
Shout to the Void
BOOM! Yan ang mga dramatic title... Ginagandahan at pinagmumukhang philosophical para mukhang malamim mag-isip kahit ang totoo ay wala lang magawa at batong-bato lang sa harap ng computer.
Hindi ito ang unang beses kong magsulat ng mga nasasaisip ko sa tumblr. Meron akong private space pero for the longest time, iniiwasan kong magpost ng public blog. Hindi ko alam, siguro natatakot lang ako na may makabasa at may manghusga sa mga nasasaisip ko. Kadalasan kasi, pakiramdam ko ako lang ang may sayad sa utak na ganito. Sa harap ng iba, mukhang calm at collected ako pero kapagmag-isa na, ayun! tinatamaan nang topak. Alam ko naman na meron ding ibang mga tao sa mundo na naguguluhan din sa takbo ng buhay o di naman kaya ay naloloko sa pag-ibig (yan kasi ang dalawang bisyo ng utak ko) pero kahit na subconsciously alam ko yan, minsan parang feeling ko ako lang ang nakakaranas niyan. Pakiramdam mo walang makaka-intindi sa iyo kung hindi ikaw lang. That's why we often pretend to put on a smile para kunwari blend na blend tayo sa trip nang iba... sa trip ng buhay. So ayan! ito ang aking "shout to the void" (Naks parang si Augustus Waters lang)... ITO ang MISSION ko na magpakatotoo sa mga nararamdaman ko at matututong maging more OPEN sa iba. P.S. medyo gumaan na nga ang pakiramdam ko. #smallhappiness #theironyofaprivatelife #void