Nakakainis. Ang sabaw lang, badtrip. Naiinis ako, may pre-test kasi kami sa Prob-stat kanina. As in pre-test para malaman lang para malaman siguro kung gaano karami yung kaalaman sa mga nagdaan na Math. Exam siya na, halo-halong lessons ng Trigo, Algeb, Advance Algeb, Solid Mensuration at Analytic Geom. Jusko, kamusta naman yun. Hindi ko pa nga na-tetake yung tatlo diyan because of some matters. Lol. Pero halo pa din daw. Nagbasa ako konti, at medyo nakakatanda pa naman ako dun sa mga lessons namin sa Trigo at Algeb last year pero fuck, halos lahat nung tanda ko wala naman dun sa exam. Halos di ko alam pano ko masasagutan, realtalk. I'm not that type of person na pag nag-eexam ng math, kahit hindi niya ganon kaalam yung lessons kayang mag-isip o mag-formulate ng kakaibang formula tapos tatama, pero na-try ko na siya gawin, hindi ko lang alam kung tumama. Aminado din naman ako na mahina talaga ako sa Math. Nung pre-school mahal ko siya, pero nung sinamahan na ng letters yung numbers? No. Tapos ang passing pa nung prof. dun, 80% daw, hindi half. Sarap. Hindi ko alam kung ilan yung natama ko, na feeling ko meron naman. Tinry ko, piniga ko utak ko, tapos time pressure pa. Nakakainis, kasi ang sabaw. Nakakahiya. Iniisip ko na ngayon, paano pag i-announce sa klase yung scores. Fuck, no. Wag naman na sana. Sana din hindi namamahiya yung prof. dun, ang sungit pa naman nun. Feeling ko naman kanina kaya kong magsagot, pero ewan. Bakit ba kasi mahina ako sa Math, hindi man lang ako nahawa sa kapatid ko kahit konti. Ugh Dati, hate ko yung math pero nung pumasok ako ng college, naisip ko dapat ko na din siyang mahalin kahit papaano kasi, di birong madaming math sa course ko. Pero, tinatry ko naman siyang mahalin, bakit parang ayaw niya kong mahalin pabalik? Ang sakit. Lol.




















