Nakakatamad na mag-blog. E, ano naman kasi ikukwento ko kung pare-pareho lang naman takbo ng araw para sa akin. Ganito, gigising ako ng alas onse - kakain - facebook - tumblr - twitter - maliligo - kakain - matutulog - kakain - facebook - tumblr - twitter - tulog. Oh tapos umaga na naman, uulitin ko na naman yang paulit-ulit na routine ko sa buong maghapon. Ay! nakalimutan ko isingit yung panunuod ko ng porn. Malamang, iba sa inyo maiinis saken, pero pustahan iba sa inyo "naiinggit".
Mmmm, hindi na kasi nag-aaral.
Tapos 'yung inapplyan ko namang trabaho, hanggang ngayon, wala pang tawag. Lecheng buhay naman oh! Malas na nga sa pag-ibig, malas pa sa trabaho. De, tama na nga pagra-rant. Kesa mainis ako dito at sirain ang beauty, magpapaka-optimistic na lang ako.
Siguro, hindi ko pa "time" o hindi lang talaga para saken 'yung trabaho na yon. Ayos lang! Sabi nga ni ate, "marami pa naman dyan."
Pero.. kasi.. hindi mo ba pwedeng ipilit ang isang bagay? gusto mo yon eh. Hindi mo ba pwedeng baguhin 'yung tadhana? lol! Anong konek? nebermaynd.
Darating din 'yung swerte sa buhay ko, pag-ibig, at sa pera. Loljk! Ganon lang talaga siguro, hindi naman pwedeng lagi kang su-swertehin sa isang karera eh. Minsan kelangan mo ring matalo para maramdaman mo kung pano ka makakabawi.