TSAMU? Ano nga bang nangyari sa TSAMU?
9:30AM yung usapan namin ni Marlord sa Balibago Complex pero late siya ng ilang minuto. Ayos lang naman sakin ‘yun basta ilibre niya ‘ko ng ice cream sa UPLBMU. Naghintay naman kaming dalawa sa MiniStop. Si Pham naman yung late kaya ililibre niya kami ng McDo sa susunod diba? Sa dulo kami ng bus sumakay para safe na mailabas ko yung iPad ko at makapag-WiFi. Payapang-payapa yung bus pero ginugulo naming tatlo. Ang ingay kasi ni Xian Lim kaya tawa na naman ako ng tawa. Pagdating namin sa Buendia sumakay kami sa LRT. Bumaba kami sa Central Station at lakad ng kaunti papuntang SM Manila.
Sa SM Manila naman nakipagkita si Marlord kay Ace. Kumain kami sa McDo at hinintay si Lindal. Ito namang si Lindal inasar agad ako na pigilin ko yung tawa ko. Maya-maya dumating naman sila Samonteza at Christian. Nag-decide na rin kaming hintayin si LA.
Nung nasa may Luneta na kami si Chelay naman yung hinitay namin. Papuntang Chinese Garden buddy-buddy system kami sa payong. Pinahiram ko muna yung payong kong puro hearts kay Marlord.
Nagbayad ng entrance tapos hinarap yung mundo ng mga bloggers. Sobrang daming tao! Nakakalunod at sobrang init. Inaamin kong isa ako sa mga KJ na hindi sumali sa laro. Sorry naman ha? Nahihiya kasi ako. After ten years naman ng pag-ikot ng mata ko sa buong Chinese Garden dumating na rin si Mik-Mik na mukhang galing sa digmaan.
Nakita ko ulit sila Jenica, Rose-Ann, Jen at yung pakipot sa picture na si Gyno. Si Lec naman first time kong makita at ang ganda niya nga talaga sa personal. Ang gaganda nilang lahat at ang pogi ni Gyno. Ang umangal papasabugin ko ang nguso.
Todo picture sila kasama yung mga famous. Habang ako pinagpapantasyahan ko yung crush ko at dinudurog sa utak ko yung babaeng inaasar pa lalo sakin ni Roi. Kakakilala ko pa lang kay Roi kahapon pero gusto ko na siyang itakwil agad. Salamat nga pala sayo! Nag-enjoy ako sa prime lens mo at sa ugali mong “Sino ‘yan? Hindi ko siya kilala.” Secret lang yung crush ko ha?
Nung medyo papunta na kaming SM Manila para mag-dinner dumating naman si Jules. Niyakap ko siya ng bongga dahil namiss ko siya kahit kaunting kembot at sayaw lang yung tinitirhan niya samin. Gusto ko na nga siyang yayain pauwi para makadaldalan kaso kakarating niya lang at mag-isa daw siyang pumunta sa Luneta.
Kumain kami nila Samonteza, Mik-Mik at Christian sa Greenwich. Nalungkot ako na hindi ko makakasabay si Marlord pauwi. Nag-overnight kasi siya sa Manila. Ako lang yung babae sa grupo at kailangan kong sumabay kahit sa Calamba sila. Hindi ako pwedeng umuwi ng mag-isa at ayaw din ng pambansang tatay sa Tumblr. Buti na lang at nakita namin si Jules sa terminal kung hindi siya ang uuwi ng mag-isa.
Nawalan kami ng pag-asa kaya halos sumakay na kami sa van na punong-puno. Wala na sana kaming choice talaga ni Jules kung hindi sumabay talaga sa kanila. Sobrang nag-dalawang isip kami kaya nag-decide na lang kami na bumalik sa terminal at pumila. Sobrang haba nung pila. Pawis na pawis kami. Sobrang init at nakakangalay tumayo. Halos binalak na talaga namin na mag-putol putol ng biyahe at sa Alabang na lang sumakay pero delikado kaya nag-stick kami sa terminal.
Buti na lang at safe kaming nakauwi. Salamat talaga kay God at ‘di niya kami pinabayaan. Akala ko maglalakad na kami pauwi dahil wala na halos bus sa terminal.
Siguro madami pa ‘kong hindi nakwento o hindi nabanggit na pangalan. Hindi ganun katalas ang memory ko para matandaan kayong lahat. Salamat doon sa mga nagbigay ng “I Crush You” na papel. Gusto ko rin bigyan yung crush ko kaso nakakahiya dahil kilala niya ‘ko. Sino nga pala si Anonymous #7? Hello sayo! Hello sa inyo! Alam kong nakakatamad basahin ‘to at late na rin yung kwento ko, pero salamat sa pagbabasa. Tsaka na yung pictures dahil wala pa ‘kong kopya nung iba.