Hayaan mo akong gawin kang obra - Ipipinta kita gamit ang mga kulay ng pagmamahal na sinayang niya. Hayaan mo akong gawin kang obra - Kung saan ang pangalan mo'y mamumuhay sa bawat tulang isusulat ko tungkol sa pagibig, sinta. Hayaan mo akong gawin kang obra - Iguguhit kita gamit ang mga kamay kong kailanma'y hindi nakalimot sa mga haplos mo, pangga. Hayaan mo akong gawin kang obra - Ipagdidikit natin ang mga pirasong sinira ng nakaraan. Pangako, mahal, 'di ka na mawawasak muli kailanman. Hayaan mo akong gawin kang obra - Dahil mahal, hindi mo man nakikita, isa kang tunay na obra maestra. Hayaan mong ito sa'yo ay aking ipadama.
MJAT













