She was the girl of my dreams, but now I've found the woman of my reality.
Minsan napapaisip ako, ano kayang trip ni Lord bakit binigay ka niya sakin? Bakit sa dami dami ng taong nakilala, nakapalibot at lumandi, nauwi rin ako sa taong lumayo at kinalimutan ko na ng mahabang panahon? Alam mo yung feeling na, nandoon na yung qualities mo, nandoon na yung pinapangarap mong tao, tas pinagtripan ka ng panahon, kabaliktaran ang dumating sayo ngayon? Alam mo 'yon? Pero simula nung dumating ka, maraming nagbago sa buhay ko. Simula nung bumalik ka, nagbago ang sistema at ikot ng mundo ko. Ikaw ang naging mundo ko kaya siguro bumilog ka lalo. Sinampal mo ang isang katotohanang hindi ko naisip noon pa man. Na minsan kung sino pa yung taong kabaliktaran ng pinapangarap mo, siya pa yung taong kukumpleto at magpupuno ng mga pagkukulang mo sa sarili mo. Binigay mo sakin ang totoong kahulugan ng "RELATIONSHIP GOALS". Na akala ko sa pag popost, paghoholding hands sa palengke at pagsesend ng limang page ng manila paper na puro messages ang laman with matching audience at mga tagahawak. Hindi mo binigay sakin ang salitang "Walang Hanggan, pero inalay mo sakin ang salitang "kasalukuyan". Tinuruan mo kong makipag holding hands sa mga plato, tinuruan mo kong fuminger ng buttons para mag operate ng washing machine. Pinakita mo sakin kung pano magsulat ng loveletter sa may-ari ng bahay na hindi muna tayo makakabayad ng rent dahil wala pa tayong sahod. Imbis na "BUCKET LIST", tinuruan mo kong maglista ng "BAKIT-WALA-TAYONG-PERA-LIST". At ang pinaka nakakabilib sayo, masyado mong pinahaba ang pasensya ko. Yung tipong galit na galit nako to the nth power pero I need to chill my ass out at kawawa ang partition natin. At hindi lang ‘yon! Inupgrade mo ang fliptop skills ko sa tuwing nagsasagutan at nagtatalo tayo. For 9 years na pagkakakilala natin sa isa't isa, ngayon lang kita mas nakilala. And I thank God for giving us that "second chance" to know each other better.












