#RIPMMFF2015
Nakakatawa na halos andaming nagsulputan at nagsilitawan na may care sa movie industry natin. Biglang andaming naging magaling na kritiko ng pelikula simula ng itininanghal na "Best Supporting Actress" si Maine Mendoza, nagets ko yung point nila na kung paano daw naipanalo nito ang titulo kung gayong ang mga kalaban nito ay mga batikang aktres na sa industriya, nariyan na magbabanggit sila ng pangalan, hindi ko naman kaila na ako'y fan ni Maine. Pero ang hindi ko maintindihan ay ang pilit na pambabato sa kanya ng kritisismo gayong hindi naman siya ang nagtanghal sa kanya ng titulo. Kung totoong may pakialam kayo sa industriya ng Pelikula ng ating bansa hindi ang mga nanalong palabas ang pupuntiryahin ninyo kung hindi ang mga taong nasa likod ng pagtanghal sa kanila, hindi maganda na aakto tayo ng walang pag-iisip, hahagisan natin ng mga paninira at batikos ang tao ng wala man lang kalaban-laban. Kung gusto niyo talagang may magbago, magsimula kayo sa sarili niyo at bigyan ng kritisismo ang karapatdapat bigyan nito. Maging ako po ay nabahala sa nakaraang MMFF 2015 pero hindi ko binato ng kahit anong masasakit na salita ang mga nanalo dahil hindi ko pa nakita ang bawat pelikula sa "Festival" na ito, mahirap magbato ng dumi kung ikaw mismo sa sarili mo alam mong hindi ka pa handa o wala ka pang sapat na basehan para bumato nito. Sya nga pala, ang ganda ng #WalangForever sana ito'y inyong tangkilikin. Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!










