Payo ng Pagmo-move on-an Mo.
Ang katawang may sariwang sugat ay hindi agad agad maigagalaw lalo na't malalim. Hayaan na munang maghilom. Kalauna'y mawawala na rin ang hapdi at masasanay na rin sa sakit. Maigagalaw na ito muli ng malaya. Walang iniindang kahit ano. Dahil magiging normal na lamang sa sistema ang lahat. Kahit na ang katotohana'y katatahi pa lamang ng pusong nayurak nang sambitin niyang... "Magmove on na pag alam mong wala nang patutunguhan pa."













