Last week. Nagkaron kami ng camping sa Mt. Makiling, Los banos, Laguna. 2 days. Bago pa lang kami pumunta dun, nakakarinig na ako ng mga nagsasabing may sinasaniban daw dun at naeengkanto. Kaya medyo natatakot ako.
Nakarating kami dun at enjoy naman ang first day. Pero kinagabihan, may naramdaman ako. sumasakit ang tiyan ko. Kaya minabuti ko na lang na matulog. :)
Mga alas-tres ng madaling araw, nagising ako. tulog na ang lahat. walang nag iingay. Walang pagala-gala. Nararamdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko. kinuha ko ang flashlight sa bag ko at tumakbo sa CR na medyo malapit lang naman. pagkarating ko dun, may matandang lalaki akong nakita. Ngumiti s'ya sa'kin kaya ngumiti din ako. Umupo ako sa trono at nag... Alam na natin yun. Pero ang matanda, nagsasalita ng mga salitang hindi ko naiintindihan. Natatakot ako. Minadali ko ang pag-aasikaso. Lumabas ako ng cubicle at wala na ang matanda. Pero may boses pa rin. Nagsalita ako. "Kuya, Una na po ako." sumagot s'ya. "Sige."
Natatakot ako kaya tumakbo ako palabas ng CR. At hindi ko lubos maisip na kahit napakalapit ng tent namin ay maliligaw pa ako. Oo, Naligaw ako. Hanap ako ng hanap sa mga kasamahan ko pero hindi ko kilala lahat ng mga nakahiga sa mga tent. Natanaw ko sa malayo na may mga teacher na papalapit. Kaya nagdasal ako na sana mahanap ko na ang tent namin. at POOF! Hindi nagtagal, nakita ko na s'ya at bumalik ako sa pagkakahimbing. Mabilis ako nakatulog. Ewan ko kung bakit.
Hindi ko makakalimutan yun. Hinding hindi.