Throwback Thursday #mtmariveles

seen from United States
seen from China

seen from United Kingdom
seen from Türkiye
seen from Kyrgyzstan
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Argentina

seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from Singapore

seen from Russia

seen from Poland
seen from United States

seen from United States
seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States
Throwback Thursday #mtmariveles
Lovely Forest #mtmariveles #90s (at Mt. Mariveles)
3 am Start Trek #mtmariveles (at Tarak Ridge)
Keep Calm and Love Mountains 😍 #MtMariveles #TarakRidge 👍🏼👍🏼👍🏼 (at Mt. Tarak Summit, Mariveles, Bataan)
Wall of tarpaulins/banners 😉 #MtMariveles #TatakRidge (at Mt. Tarak Summit, Mariveles, Bataan)
Tarak Ridge, 2014
Huwag mo ng basahin ‘to. Personal diary lang namin ng climb ‘to. :) Wala kaming hinandang matinong itinerary o budget nung pinlano namin yung lakad na 'to, pero after ng climb ginawa namin yung itinerary base sa naranasan namin, para mas realistic. Proven and tested :)
Major Climb. 1130 MASL. DAY TRIP. Isang mahabang day trip :)
Biglaang umakyat. Biglaang namundok. Nabiglang katawan. Pero biglaang saya din sa katapusan.
Disclaimer: Hindi ito pro-mountaineering blog. Google search ka ulit para sa mga technical stuff. Pero kung trip mong magtipid, biglaang lakad, at kung gusto mo lang magka-idea tungkol sa Tarak climb namin, edi scroll down. Leche. :)
Hindi ko maidedetalye yung climb experience namin. Brief entry lang yung meron sa dulo. Text mo na lang ako, kwento ko sa’yo yung emosyong meron ako nung panahong yun. Nasa baba din yung Itinerary at Budget Breakdown na ginamit namin – pati mga rough estimate ng oras na nilaan namin sa pagakyat at pagbaba sa Tarak.
Hatiin natin sa tatlong parts ang Tarak ascent – Total of 6 Hours
1st – Alas-Asin Barangay Hall to Papaya River – 3 H 30 Min
2nd – Papaya River to Tarak Ridge – 2 H
3rd – Tarak Ridge to Tarak Peak – 30 Min
Hatiin natin sa dalawang parts ang Tarak descent – Total of 4 Hours
1st – Tarak Peak to Papaya River – 2 H
2nd – Papaya River to Barangay Hall – 2 H
Itinerary – Day Trip
0200 – Assembly at Genesis Bus Terminal, Cubao
0215 – Board Bus to Barangay Alas-Asin, Bataan
0515 – ETA Barangay Alas-Asin
0515 – 0530 – Register at Barangay Hall; Quick Breakfast
0530 – Start Trek
0900 – ETA Papaya River; rest, eat, swim, take pictures
0930 – Resume ascent
1130 – ETA Tarak Ridge; rest and take pictures
1230 – ETA Tarak Peak, rest and take pictures
1300 – Start descent
1500 – Back at Papaya River; rest, eat, swim, take pictures
1600 – Resume descent
1730 – ETA Nanay Cording’s House
1800 – Back at Alas Asin Barangay Hall
1900 – Board bus to Manila
2200 – ETA Cubao
Budget Breakdown – Total of 774 PHP
Cubao to Alas Asin – 267 PHP
Registration Fee – 40 PHP
Breakfast – 50 PHP
Dinner – 50
Alas Asin to Cubao – 267 PHP
Other (trail food, water) – 100
Pinaghalong unstructured na kuwento, tips and tricks, at memoirs HAHAHA
October 19, 2014
Pang-apat na Tarak Climb ko na 'to - pangatlo ngayong 2014. Kasama kong umakyat yung mga officemates ko. 3 lang kami. Galing ako ng Taguig, 800 lang pera ko, nakauwi pa akong may sukli.
Sa cubao kami sumakay, as always. Genesis Bus Terminal. Biyaheng Mariveles, sabihin lang na bababa ng Alas-Asin, alam na nila yun.
Madali namang basahin yung trail ng Mt. Tarak. Puwede kang maligaw kung hindi ka maghahanap ng mga matinong marker, pero relatively, madali naman talagang akyatin kahit walang local guide. Masayang hingalin. Sabi sa mga blogs ang difficulty level ng Tarak ay 4/9. Same difficulty level ng sa Batulao. Pero mas mahabang hike pa din kung ikukumpara sa Batulao.
Mula sa Barangay Hall, itanong mo lang kung saang kanto yung papasok ng Tarak. Malalaman mo din naman kasi may isang mini bill board sa kantong papunta sa jump-off. Lakarin hangang dulo, lumiko pakaliwa kapag nakita mo na yung isang malaking gate sa harap mo. :) O kaya ay magtanong sa locals, mababait naman sila. O kaya maghintay ng mga mountaineers mula sa Barangay Hall at buntutan sila. Hihi. Kung first time mo, I suggest dumaan ka sa bahay nila Nanay Cording. Para dun ka sa old trail umakyat. May ginawa kasing bagong trail yung Barangay, para hindi ka na dumaan sa bahay nila Nanay Cording, kasi LQ sila dati eh.
Solb kami sa trail at magandang view. Nagiiba iba bigla yung trail. Nagsisimula sa maluwag na trail, papasok sa gubat na mapuno, magiging gubat na mahalaman (malamang, gubat nga eh), magiging matataaas na talahib, magiging kulay pulang lupa, talahib, pulang lupa, minor rock climb, gubat, hangang sa makarating ka sa river. Pag tungtong namin sa Papaya River, sobrang saya na namin dahil sa makatungtong na kami sa sinasabi nilang "kalahati ng hike". Pero dun pa lang talaga magsisimula ang tunay na bangis ng Tarak. Hehe. Kasi mula sa river, siguradong puro pataas na yung haharapin mo. :) May katiting na patag na lang, pero sigurado akong hihingalin ka papunta sa ridge. So huwag kang magmadali, easy ka lang. Huwag ka ding magtatanong sa mga nakakasalubong mong mountaineers kung gaano pa katagal, dahil sa experience ko, wala pang kahit sino sa kanila ang nakapagbigay ng eksaktong oras. Ang bilis o bagal ng akyat mo, ay nakasalalay lang naman talaga sa'yo. Minsan nga nagtitrip na lang ako, kahit malayo pa sinasabi ko na lang sa mga nagtatanong na "5 minutes na lang, Sir." Hindi ako nagsisinungaling, nangmomotivate ako. :)
Kapag nawawalan ka na ng motivation sa pagakyat, isipin mo lang na sobrang awesome ng view sa ridge. Priceless. Mahabang assault bago ka makapunta sa ridge. Kaya masarap mag food trip ng jelly stcik habang inaakyat 'to. Feeling mo hindi nauubos yung inaakyat mo. Pero malalaman mong malapit ka na talaga sa ridge kapag nalagpasan mo na yung mga puno, nagkaroon ka na ng clear view, at nakarating ka na sa final assault pa-ridge kung saan may mga talahib sa gilid mo at nakatapak ka sa ilang mga loose rocks. Sulit lahat ng hingal. pagtungtong mo sa ridge, promise :)
Hanapin mo lahat ng pang dare-devil-shots sa ridge. Malupit na pang profile picture yung mga cliff shots sa ridge. Sa lahat ng pagod mo, isipin mo na lang na bawat hingal mo, katumbas ng isang "Like" sa Facebook picture mo.
Akyatin mo yung summit, sabi ng mga seasoned mountaineers, pangit daw ang summit ng Tarak. Pero para sakin, wala na mang pangit, iba pa din pag nakatapak ka sa pinakamataas na parte ng bundok na inakyat mo. Papicture ka dun sa sikat na Tarak Tree - yung puno sa peak, para legit.
Mas madali namang bumaba. Kaya huwag kang magalala. Pagbalik sa river, magenjoy ka sa lamig ng tubig. Siguraduhin mong mageenjoy ka. Sulitin mo lahat ng hingal, pulikat, at pagod mo :)
Sa Papaya River din kami nag-food trip. Nagluto kami ng Pancit Canton. Hihi. At uminom ng kapeng tatalo sa White Caramel Mocha ng SB, ang Great Taste White 3-in-1 Coffee Mix. Ohshyeeet, hindi ito paid advertisement, pero sarap kasi talaga eh.
Pagkatapos kumain ay tinuloy na namin ang pagbaba. Swabe lang. Kapag nakalabas ka ng gubat na part at nasa matalahib na part ka na pababa, matatanaw mo yung Corregidor Island. Wala lang, nabanggit ko lang para mukhang madami akong alam na lugar. Ge.
Pagbaba mo, madami namang karinderya. Food trip ka. Ligo ka na din. Tapos mag abang ng bus pabalik sa Manila.
Kung hindi maabutan yung last trip ng bus na papuntang Manila, puwedeng sumakay ng bus mula sa Alas Asin papuntang Balanga, Bataan. 48 PHP. Sa Balanga, Bataan ay may terminal ng Genesis Bus. Sumakay ng bus papuntang Manila :)
Tapos kung gusto mo talaga mag-Tarak...tapos walang gustong sumama sa'yo. Yayain mo na lang ako. Basta libre sched, shoot na agad 'yan. Libre mo lang ako jelly stick, solb na ako.