Going to work everyday.. Nakikipag'sabayan ka sa traffic sa kalsada. Nakikipag'siksikan sa sasakyan sa pag'cocommute. Nakikipag'unahan makasakay ng taxi kapag nagmamadali Nakikipag'unahan makapasok sa entrance ng building. Nagpapa'check ng bag sa guard ng mga dalawa, tatlong beses kahit ang laman lang naman ay cell phone at wallet. Pagdating sa designated floor, haharap ka pa sa isa nanamang gwardya at sasailalim sa kanyang 'metal detector test' na parang may tinatago kang icepick or patalim na ipananaksak sa kapwa mo empleyado, ...bago ka pa lang makakarating sa opisina. Pagpasok sa opisina, haharap ka sa bagong monitor pero lumang CPU na napakabagal, kung saang workstation ang bakante. Magseset'up ka ng mga systems, tools at websites sa tinatayang kinse minutos. Kung may ilang minuto pa bago ang nakatakdang iskedyul mo, magagawa mo pang mag'munimuni. May konting oras ka pang pansinin ang mga tao sa paligid mo. Maiisip mo pa kung bakit kaya nagsstay yung mga empleyadong to?, katulad mo din ba silang napamahal na sa mga kaibigan nila sa trabaho?, wala na bang ibang mapag'applyan?, tinatamad bang mag'apply?, ano kayang hinihintay nila?, gusto kaya nila ang kasalukuyang estado nila sa kompanya?, may plano na kaya sila sa mga susunod na araw, linggo, or buwan?, At kasama na sa mga pwede mo pang maisip ay kung katulad mo ba silang napapaisip sa mga kasulukuyang nangyayare. Minsan napapaisip din akong, ano kaya kung hindi ako nagkakaron ng kahit ganoong kasaglit na ktahimikan at pag'iisa, magawa ko pa kayang mag'isip ng maayos? Salamat sa magandang musika ng bndang Urbandab at sa kanta nilang The Fight is Over na pinakikinggan ko banag binubuong ang blog na ito. Salamat at napapaisip ako. ..jonnah