Simula 2nd year at nang naging YFC ako, hiniling ko na maging YFC rin ang 23 kong kaklase. Ngayong 4th year lang, 1/4 palang sa klase namin ang YFC. Over 2 years and many youth camps, hindi natupad ang hiling ko. But now, it doesn't matter. Ngayon ko lang na-realize na hindi mo kailangan maging YFC para mahalin ang Panginoon.
Sa 2 years ko kasama ang mga kaklase kong ito, ngayon ko lang nakita ang pagiging expressive namin sa pagmamahal at kasobrang galing ng Panginoon. We underwent two big challenges so far: UPCAT at Sabayang Pagbigkas, at lahat 'yan pinagdasalan namin talaga. Sa Sabayang Pagbigkas, binayayaan talaga kami ng Panginoon kasi nakamit namin ang 1st place. Wala talagang imposible kapag pinaghirap at pinagdasalan ng mabuti. Hopefully, pag dating sa UPCAT ay pagbigyan din kami ni Lord pero kung hindi naman ayos lang dahil may mas maganda syang plano para sa amin.
Heto pa, sa apat na taon namin sa HS ang adviser namin ngayon ang pinakamapagmahal. PROMISE. Wala ka nang hahanapin na iba. She doesn't only take care of us physically, but also socially and most importantly spiritually.
Best year talaga ang 4th year. Pero pag dating sa service ko, kabaliktaran naman.
Ever since naging YFC ako, active talaga ako. Nagbago lang yan ngayon. Hindi naman dahil sa kinalimutan ko na sila, marami lang talagang dapat gawin. Ngayong 4th year kasi, member ako ng Luzon Tip, org na nagma-manage sa school paper namin. And we have workshops every weekend. Yung mga YFC activity naman every weekend kaya yun wala.
This school year, may subject ulit kaming Research. We're required to submit a research project. At nagkataon na nagustuhan ni ma'am yung previous research namin, sabi niya yun na raw ang gawin ko. Ipapang-contest daw. Kaya heto ako stressed na busy pa. Expected kasi na matapos ang project by this September kasi yan ang oras ng contest.
September is the month dedicated to Science. Kaya pag-first week ng September may summit. At nagkataon na ang kaklase ko at ako ay napili para sa Engineering Challenge. Ironic lang kasi kaming dalawa ay walang hilig sa engineering. Pero nag-oo na rin kami. We have to make a savonious wind mill and we have two weeks to do it.
This September din ang kauna-unahang HS based camp namin sa SNHS. Kaya yun, dahil sa mga activities, hindi ako makakapag-serve. Hindi lang camp ang activity ng YFC, marami pa.
Oo masaklap. Pero studies muna. I thrive for excellence. That's a big goal kaya everything I do for school counts.
^ That summarizes everything I feel at the moment.
Lord iaalay ko Sayo lahat.