Balik tanaw sa BV na KLM Service
Huling sakay ko na sa KLM Airline e nung nagbakasyon ako dito sa Spain noong 2011. Pauwi na ako Manila. From Amsterdam via Taipei to Manila yung flight.
Eto ang istorya:
Seat ko e sa may window. Katabi ko ang isang teenager na Taiwan National. Nahiwalay sya ng upuan sa nanay nya na nakaupo sa center front kung saan pangarap ng lahat na upuan ng mga nageeconomy kasi nakakastretch buong katawan dun. So nakipagpalit ako doon sa nanay kasi naaawa naman ako dun sa teenager. Tapos sa tabi ko isang mag-ina. Baby pa yung bata so wala itong upuan kundi may nakahanda talaga para sa baby na pwesto sa eroplano sa front. Tapos kinausap ako ng FA. Pinapalipat, nung hindi ako pumayag kasi lilipat na naman ako, Pinahiya nya ako, lakas ng boses nya, ndi na daw ako naawa para daw tabi tabi sila yung tatay etc... Yung tatay kasi nasa likod nila ang upuan. Nababadtrip ako kasi bakit ako ang pinapalipat, nakipagpalit na nga ako tapos makikipagpalit na naman, aba nagbayad din naman ako.
Ayon tapos nagpresenta na lang yung katabi kong isa na sya na lang makikipagpalit. Aba parang pangaasar sken binigyan nya ng freebies yung nakipagpalit. Tapos pakiramdam ko hindi ako sineserbisyuhan ng naaayon sa binayad ko. Hindi ba nila alam na taon taon KLM lang sinakyan namen tapos itreatreat nya ako ng ganun dahil lamang sa hindi pakikipagpalit ng upuan sa tatay na no need naman kung nasa harap kasi may pwesto naman yung baby at nanay na kumportable na wala naman gagawin yung tatay dun kundi magrelax na lang din.
Ayon, naalala ko lang to dahil dun sa news na diniscriminate na Filipina na hindi pinacheck in sa KLM Malaysia.
After ng pangyayari na to, hindi na ulit kami kumuha ng ticket sa kanila, saka sira na din pangalan nila sa mga Pilipino dito sa Barcelona dahil sa nangyaring scam na kinasangkutan ng KLM sa mga agency na Pinoy dito.








