Simula pa lang nung bata pa ako kinalakihan ko na ang mga larong kalye tulad ng patintero, tumbang preso, sekyo, sipa ball, taguan, pag bibike, speaking of pag bibike ayyy grabe until now naka marka pa rin sa binti ko yung mga naging sugat dahil dyan, pero dont worry no regrets ganun tlga e, hindi tlga lahat ng tao e nalaki na makinis and besides hindi naman ako mag aartista kaya ok lang yun! Sa eskwelahan naman, aminado naman ako na hindi tlga ako pala aral, pero hindi naman ako bobo, natututunan ko naman yung mga tinuturo ng teachers namin it just so happen na hindi tlga kasing taas ng i.q ko yung i.q ng mga classmates ko. Moving on, nung unang nagtrabaho ako i thought na ang pera ay dapat paikot ikot lang pero hindi pala may times kasi na pag dumating na ang sweldo ko ibibigay ko agad lahat sa nanay ko tapos bibigyan na lang nya ako ng baon araw araw mali pala diskarte ko nun dapat pala kumuha na ako ng pursyento ko at pag aralan ko kung paano pagkakasyahin yun hanggang sa dumating ulit yung pnibagong sweldo then finally natutunan ko naman, lumipas ang ilang taon dumating sakin ang ibat ibang klase ng trabaho so far madami akong naging kaibigan sa kabila ng pagiging masungit ko minsan pero syempre mas natutunan ko mag ipon ng pera. May mga bagay na binibili ako para sa buong pamilya kay nanay tatay ate kuya sa mga asawa nila at sa mga anak nila. Would you imagine nagagawa ko na yun, ilang taon na patuloy na nangyayare yan. Masaya ako na kahit papano sa maliit na bagay napapasaya ko sila. Pero sa kabila ng pagiging masaya ko para sknila, hindi tlga maiiwasan ang magkaroon ng problema, hindi man pang sarili kong problema pero parang problema na rin namin buong pamilya. May kapatid ako na parang naiinggit sa maliit na bagay na tinatamasa namin kamakaylan, sa amin kasi ako, nanay ko at tatay ko ay may mga kanya kanyang trabaho so far mas maluwag tlga samin ang gastusin kesa sa pamilya ng kapatid ko na yun. Ngayon nandito ako sa saudi ngayon ko nararanasan na maghanap ng nanay at tatay minsan nag aaway kame pero iba pa rin tlga na nandyan sila sa tabi mo. Ilang beses ako na nagkakasakit pero sariling sikap, wala naman ko magagawa dahil malayo sila. ilang buwan lang ang nakalipas at naka tanggap ako ng balita na napaka daming utang ng kapatid ko na yun. Nangyare na naglayas sya at iwan ang ang kanyang pamilya dahil gusto daw nyang gawan ng paraan kung paano babayaran ang mga iyon. Nakakakaba dahil pano mo hahanapin ang taong yun sa laki ng pilipinas at sya ung klase ng tao na hindi matandain sa lugar na pinupuntahan nya. Pano kung may makasalamuha sya na mga masasamang tao e di lalo ng lumala ang problema. Mabuti na lang at nag txt sknya ang anak nya at nalaman ng iba ko pang kapatid ang ang kinalulugaran nya. Nag madali ang mga kapatid at tatay ko para sunduin sya. Nakarating sila ng baclaran church. Inabutan nila ang kapatid ko na iyak ng iyak sa labas ng simbahan at parang nawawala sa sarili. Nlungkot ako sa balita na yan. Pero imbis na magalit kame, inintindi nalang namin sya., alam naman namin na ginwa lang nya yun para s srili nyang pamilya. Ngayon eto nagawa ako ng paraan kung pano mababayaran un. haaay lord gabayan nyo po kame sa pagsubok na ito. Restday ko na, tumawag ako sa isa kong ate para makamusta man lang ang nanay at tatay ko, kina musta ko palang sila, sabog agad ang luha nila. Hindi ko magawang umiyak dahil ayokong maramdaman ni nanay na mahina ako. Pero gusto kong umuwi ng pinas dahil sa nakikita kong naiyak sila. Masakit para sakin ang makita ang nanay at tatay ko na ganun pero wala akong magawa. Pero lalong lumakas ang loob ko nung sinabe ng nanay ko na sakin sya nakuha ng lakas ng loob, sinabe nya na hindi pa daw ako lubos na hinog sa hamon ng buhay kaya kailangan nyang mas maging malakas para sakin. Nililibang ko na lang ang sarili ko para di magisip saknila pero syempre hindi maiwasan, minsan naiiyak na lang ako dahil sa mga nangyayare. Dami kong plano para sa magulang ko, pero parang kailangan ko munang lutasin ang problema ng kapatid ko para wala ng iniisip sila nanay at tatay. Ngayon, hindi ko alam ang ginagawa nila. Gustuhin ko man magchat sknila., pero oras na ng pagtulog ko. Ngayon nga pala ay hindi pa tapos ang pagapaayos ko ng bahay nila nanay at tatay, pero mukang matataglan pa lalo dahil plano kong bilhin ang bahay ng tito ko. Sinabe ko sknila yung plano na yun, sila lang ang makakatulong sakin na na makuha yung bahay na yun, umaasa ako na makukuha ko tlga un., sinabe ko sa sarili ko na uuwi ako na dala ko ang buong kabayaran para sa bahay na yun as in buo para naman wala ng usap usap. Sinabe ko sa nanay ko na kapag makukuha ko ang bahay na yun, hindi ko muna sya mabibilhan ng gold ring o ng kahit ano., ganun tlga e, kailangan kong mas pagipunan yung bahay na yun., posible tlga na magtiis ako ng ilan pang taon dito sa saudi magkaroon lang ng sapat na pera para sa bahay at syempre maisingit ko din na mabili yung gold ring na para sa nanay at tatay ko. Marami rin akong gustong bilhin para sa sarili ko pero ako naman yung taong kayang maghintay. Mas gugustuhin kong mapasaya muna ang aking magulang bago ang mga bgay na gusto kong makuha. pangarap ko ng magkaroon ng magandang buhay unfortunately hindi ko nrating, pasensya na eto lang kaya ng utak ko pero masipag naman ako eto nga at lagi akong may trabaho magkaron lang ng magandang buhay ang magulang ko. Lahat gagawin ko mabigyan lang sila ng magandang buhay. Nakakatawa nga minsan na ang isa sa pinaka gusto ko na magkaroon ay aircon, bakit? Kasi pag naayos na ang kwarto nila nanay at nalagyan na ng aircon, gusto kong maencounter nila na tanghali na magising dahil sa sobrang sarap ng tulog. Matanda na ang nanay at tatay ko. Wala na akong hangad para skanila kundi ang maginhawang buhay. Kaya sa bawat sabi nila na kailangan nila ng pera para sa ganitong bagay., bigay agad., kailangan e dahil mahal ko sila. Ngayon sila yung tanging inspirasyon ko na nagpapasaya sakin at nagpapalakas ng loob para lumaban sa hamon ng buhay.