Mapalad ang mga taong nakakaranas ng ganito klaseng sakit. Kasi sila rin yung taong nakaranas ng labis labis na pagmamahal. Diba nga hindi magiging ganun kasakit kung hindi naman totoo yung pag-ibig? Magmahal ka ulit. Magmahal ka ng paulit-ulit. At kahit kaagapay nun ay ang sakit na maaring paulit-ulit na dumurog sa puso mo, sige lang. Magmahal ka pa. Magmahal ka lang. Hindi mo makakasanayan ang sakit pero makakasanayan mo ang magmahal ng walang inaasahang kapalit dahil masarap ang magmahal. 'Wag kang madadala. Umasa ka uli. Mag-akala ka uli. Nakakapagod minsan pero oks lang. Magpahinga kung kailangan pero 'wag kang sumuko sa pag-ibig.
















