ang tanging hiling ko lang naman ay pakinggan nyo ako
haayy akala ko di na ako magbloblog ulit XD.,., kaso dito ko lang naman nanaman mailalabas sama ng loob ko eh.. (as usual) XD...
ito kasi yun kahapon enrollment tapos ang tagal kong nag ayos ng schedule tapos sasabihin nila sakin na di ako pwedeng mamili ng block dahil isang block lang ang available tapos sinabi din nila na wag muna akong mag aadvance ng subject. according sa kanila itry ko muna daw ang Chem eng bago ako mag advance para daw di ako mashock di after kong mag enrolll ayoko munang umuwi dahil alam kong masesermonan ako dahil di nanaman ako kumuha ng full load.. di hindi muna ako umuwi. Umuwi ata ako mga past 7 pm na tapos just as I thought nasermonan nga ako ni papa dahil di ako kumuha ng full load na 28 units... 22 units lang ako by the way...inexplain ko kay papa yung mga sinabi sakin sa school DI AKO PINAKINGGAN at tuloy parin yung sermon as in ang dami dami dami nang sinabi sakin di sobrang naasar na ako .... kesho wala daw kwenta na nagsummer ako ganun ganun (as if ginusto ko naman na magsummer as in sobrang napagod ako nung summer eeh) di nalang ako nagsalita as in di ko sila kinbo lahat dito sa bahay at napag isipan ko na pipilitin ko nalang talaga na mag advance ng subject para wala nang masabi si papa sakin pero nung nagalabas nanaman ako ng sama ng loob kay mama sabi nya wag na daw akong mag advance para mabawasan na yung stress ko lalo na at major na lahat ng subjects ko.according kay mama tama lang yung sinabi sa schol ngayon di ko na talaga alam kung anong gagawin ko.....pero kung ako lang ayoko na din talga mag advance... di naman ako nagmamadali para sakin kaya ako nag aadvance para if ever may bagsak ako at least may slot for re take or something.. pero lagi nalang pinopoint out ni papa na baka umalis na xa sa SLU or something sinabi ko kay mama yung sentiment ni papa sagot naman ni mama di sya nalang daw magbabayad ng tuition ko kung kinakailangan. Bakit ba kasi maxadong nagmamadali si papa???? ggraduate din naman ako sa tamang panahon eeh..... besides sa pagkakaalala ko di ako namili ng course ko... DI DIN KASI NILA ALAM YUNG TORTURE NA PINAGDADAANAN KO EH! sa araw araw na na ginawa ng Diyos ngayong college kinukuha ko yung course na di ako ang namili pero kahit di ko pinili yung course ko pinipilit ko na wag bumagsak dahil sabi ko nga kay mama't papa pa nanggagaling yung source ng living ko.. dependent pa ako sakanila so the least I could do is to not to give them more disappointments by failing pero 18 na ako and in a month 19 na ako sana din paminsan minsan hayaan nyo naman na maglive ako sa decisions ko sa mga ibang bagay na di ko kinakailangang makonsensya na may nadidisappoint ako SUPORTA LANG NAMAN HINIHINGI KO EH. Alam ko naman maganda yung parently intentions ni papa kung bakit sobra nya akong pinupush sa limit pero hanggang dito nalang kaya ko.Dahil parents ko sila nakikinig ako sakanila pero minsan di ko na kayang tapatan yung expectations ni papa sakin eh. (At least si mama ang expectation nya lang sakin is pumasa ako at wag maxadong istress yung katawan ko) Pero yung expectation kasi ni papa sakin eh kumuha ng mabigat na units tapos wag babagsak at as much as possible wag akong masyadong magcocomplain pero wala eh di ko talaga kaya..Naalala ko pa dati sinabi ko kay papa na gusto ko nang magshift pinagalitan nanaman ako....
tapos kanina gusto ko sana manood ng GGV kasi sobrang kailangan ko ng outlet ng sama ng loob. Sabi ko nga idaan nalang sa tawa mga problema kaso di parin ako napagbigyan eh kaya unexpectedly iniyak ko nalang yung emotions ko kanina...
Napapansin ko pa habang tumatagal nawawalan na din sila ng tiwala sakin. Nung sinabi ko sa kapatid ko yun sabi lang ng kapatid ko sakin "Eh paano naman kasi habng tumatagal nawawalan ka nang pakealam". Aminado naman ako dun pero sana pagkatiwalaan parin ako.. Kasi parang pati tipong decisions ko ayaw na nilang tanggapin eh... :'(( sana dumating yung time ma voice out ko na din to kasi sobrang mabigat na sa loob ko. Kaso sabi ko nga parents ko parin yung source of living ko... pero wala habang tumatagal nawawalan na din ako ng kumpyansa sa sarili ko eh.. to the point na di ko na din alam anong direksyon dapat yung tatahakin ko... sana lang kasi for once pakinggan ako nila papa na wala silang masasabi, na hindi ko sila madidisappoint.... Ang hirap kaya ng feeling na di mo maabot yung expectation sayo ng taong sobrang importante yung opinion para sayo.. Sana di din umabot sa point na bibigay, bibitaw at susuko na ako......
Sorry papa kung sobrang disappointment na ako sa inyo pero talagandg ito nalang yung kayang abutin ng powers ko eh..... sana pakinggan at suportahan nyo naman ako sa ibang decisions ko. Alam ko nandyan kayo para itama yung mga maling desicions ko sa buhay pero sana suportahan nyo nalang ako sa iba,,,,
Haayyy sa ngayon di ko pa talaga sila masyadong naiintindihan malamang dahil wala pa ako sa stage nila pero promise ko sa sarili ko pag ako nagkaanak susuportahan ko siya sa decisions nya...itatama ko man kung mali pero makikinig ako kung sasabihin nya na di nya din kayang tapatan expectations ko....
My parents are far way beyond from being bad parents pero talagang di ko lang abot yung expectations mula sakin eh... sana soon maintindihan din nila ako :'(( at ayan na ang malanobelang pag oopen up ko XD