Tuluy-tuloy ang kampanya ng pamahalaan kontra illegal na droga, kahit holiday ay sige sa paghuli sa mga yan. Patunay na dyan ang napakalaking panghuhuli ng mga kapulisan sa mga durugista. Yan ang dapat naman talaga dahil malala na ang kampanya kontra droga. Pero minsan talagang sadyang masaklap dahil yung iba ay nakukulong, pero ang iba patay na. Sana pantay pantay na sa lahat. Pag nanlaban sa mga pulis eh itumba na, wag nang bigyan ng pagkakataon na makulong dahil malaki ang tsansyang makapag droga pa sila. Dapat ay mas higpitan pa ng kapulisan ang kampanya sa panghuhuli sa mga durugista at adik. Malala na ang sitwasyon ngayon sa bansa. Dahil madalas ang dahilan ng mga nahuhuli na nang rape ng bata, ng may edad na at nasasangkot sa pagpatay ay sangkot o bumabatak ng droga. Kaya naman paalala kong muli, kapag ang droga ay naging sanhi ng krimen, isuplong agad sa may kapangyarihan. Damputin kung nararapat. At ilagay sa rehas na bakal. Ubusin ang Apat na Milyong adik sa pilipinas. Ipagpatuloy lang ang oplan tokhang sa buong pilipinas. Gawing drug-free ang pinas.