Salaysay ni Gregoria de Jesus tungkol sa pagbihag at pagpatay sa asawa at bayaw:
Hindi sila nakinig; at ng kami ay nalalapit, kanilang pinaputukan ang aking asawa, at ng siya’y nalugmok, siya’s kanilang pinagsasaksak at pinalo ng kulata ng kanilang baril. Ang aking bayaw na si Ciriaco ay inagaw ng dalawang tao at binaril hanggang sa mamatay. Si Procopio ay kanilang iginapos at pinalo ng rebolber. Kanilang inilagay ang mga sugatan sa hamaka at kanilang dinala sa bayan.
Ng makita nilang ako’y lumabas sa pinagtaguan, ang oficial ng mga kawal ay tumakbo sa aking dako at pinipilit na sabihin ko kung saan nakatago ang salapi ng Cavite o ng Tesoreria. Kinuha nila ang aking rebolber at kaunti naming salapi. Pagkatapos ay iginapos nila ako sa punung kahoy at pinipilit nilang ipagtapat ko sa kanila kung saan nakatago ang salapi na kanilang sinasabing nailak namin.
Ay! Mga kapatid ko. Ng kami’y bagong dating iniwan kami sa kusina ng bahay, sa paliguan ng mga pari at kami ay ipiniit sa tila tapunan ng mga bilango at tila hindi maaaring maabot ko pa siya, at ng ako’y magpumilit ay inilagay ako sa isang silid na may pagbabawal na makipagusap kahit kanino.
Nakalipas ang ilang araw, at ng ibigay ang hatol, itinanong sa ilan sa mga Puno kung ang laman ng hatol ay siyang katotohanan na kanilang sinagot na huag akong making sa bulungbulungan, at upang patotohanan ito, ang hukom na siyang may hawak ng usapin ay lumapit at sinabi sa akin huag akong mag-alala sapagkat wala pang nangyayari, at pagkatapos ay dumating… isang utos sa Capitang Kastila na sa ikatlong araw, ika-walo ng gabi, samantalang malakas ang ulan, kanilang ilalabas na sapilitan sa bahay ang aking asawa.
Hinanap ko ang komandante Lazaro Macapagal na siyang kumuha sa kanya, iyong tumupad ng mg autos na huag [ilabas] ang maysakit hangga’t hindi tumitigil ang ulan o ilabas sa kinabukasan na ng umaga. Hindi niya gagawin ang gayon sa matuid na alinsunod sa kanya, ay utos ng kanyang Puno; nguni’t sinabi niya sa akin na paroon ako sa bahay ni Capitan Emilio at makiusap sa kanya. Ako’y naparoon na kasama ang dalawang babae.
Halos kinailangan namin na lumakad na apat-apat sa gitna ng dilim ng gabi at sa gitna ng malakas na ulan samantalang tumatawid kami sa ilog. Dumating kami sa bahay ni Emilio nguni’t hindi kami makaakyat agad sapagka’t kami ay basangbasa. Ng kami ay makapanhik si Emilio ay nagtago sa kanyang silid at sila’y pinagbilinang sabihin sa amin na siya’y maysakit at namamahinga; nguni’t napansin kong siya’y nagigising at nakikipagusap kay Jocson.
Ng si Jocson ay lumabas at lumapit kay Pedro Lipana na nagsasabing siya’y kalihim ni Emilio… Ipinakiusap ko na kung maaari ay huag lamang ialis ang maysakit hanggang kinabukasan. Siya’y tumanggi kaya’t ako’y umalis upang makabalik; nguni’t samantalang ako’y nananaog sinabi nyang maghintay kami at kami’y bibigyan ng sulat para sa mga tanod. Pagkasulat ng liham, kanyang binigay sa dalawang kawal na pinag-utusang samahan kami. Kailangang antalahin siya sa Tribunal at ako nama’y ikulong sa aming pagbabalik ng malayo sa bahay ng Pangulo. Nakipagtalo ako nguni’t sinabi nilang babarilin ako at magbuhat sa sandaling iyon ay hindi pinahihintulutan ang sinomang lumapit sa akin.
Ng tanghali ng sumunod na araw kanilang inilabas ang dalawang magkapatid; sag awing hapon ay nagkaroon ng labanan sa labas ng bayan na malapit sa kinaroroonan ko at pinawalan nila ako.
Ay! Mga kapatid. Sila’y hinanap ko sa mga pook na kanilang itinuro at ng ako’y dumating sinabi sa akin na sila’y nasa ibang bundok na lubhang mataas. Dumating ako sa mataas na bundok na sinabi nguni’t siya’y hindi ko nakita. At kami’y nagpatuloy ng paglalakad.
Ay! Mga kapatid. Kami’y hindi nagtigil ng paghahanap sa kanya sa loob ng dalawang Linggo na nagpahinga lamang kung gabi. Sapagka’t hindi ko siya natagpuan at wala naming makapagsabi ng kanyang kinaroroonan, aming sinundan ang mga kawal na ito’y nagkaila at kung anu anong pook ang itinuturo sa amin.
Kami’y nagpalibotlibot sa loob ng isang buan na walang kinakain kundi saging na hilaw. At kung ang aking kasamahan ay nagtagumpay na makuha sa pamamagitan ng kawangawa, ng isang dakot na bigas, kanilang isinasaing ito at ibinibigay nila sa akin. Ang damit ko sa katawan ay sira-sira na at napakarumi, na hindi masusunog kung ito man ay sigan.
- Mula sa Mga Tala ng Aking Buhay at Mga Ulat ng Katipunan, 1932