2016. Interview nina Señor Archie at Alex sa MYX nun (I still have the link pero ngayon hindi na s’ya nagdidirect sa mismong interview vid, homepage na ng MYX yung lumalabas), dun sinabi ni Señor Archie na makikita pa namin s’ya sa next movie. March that year, on a phone call I had with him, he told me/us/Ruscats na mag-aarrange s’ya ng sched para makabisita kami sa shooting nila.
2018. Nagsisimula na yung promotion ng Goyo: Ang Batang Heneral, presscon, FB/Twitter/IG updates, pero hindi kelan man nagkaroon ng hint kung makikita ba ulit namin si Kapitan.
Nagreply ako sa rp acct ni Kapitan sa Twitter kasi tinanong ko kung may appearance nga ba s’ya sa Goyo. Ang sagot sakin ni rp account, “Wag kang mawalan ng pag-asa.” and although ganun yung sinabi n’ya, hindi na rin nga ako umasa. Hahaha. Bahala na.
Wala naman talaga akong balak magstay hanggang bago yung credits part kung hindi ko lang nalamang nahila palang extra sina mama det at lira. Wala lang. Kaya ‘yun, inantay ko na din, baka kako makikita ko yung pangalan nila. Hahahahaha.
Ngunit, subalit, datapwat, sa di inaasahang pangyayari...
Medyo nakikiramdam ako kung sino ‘yung taong ‘yun. Sabay luminaw ang paningin namin ni Joven, at ayun nga, imbes na ensaymada o suman ay nagngangata s’ya ng tubo.
Maligayang pagbabalik, Kapitan!
PS. Did he really grow his hair????
(Photos are from Señor Archie’s Instagram account)