hindi na pipigilan ang luha, sa bawat oras na maisip ka. hindi mawawalan ng pag asa, sa pagitan ng wakas at ng simula.

seen from Malaysia
seen from India

seen from Malaysia
seen from China

seen from China

seen from Malaysia
seen from India
seen from France

seen from United Kingdom
seen from China
seen from Kazakhstan
seen from Netherlands
seen from Italy
seen from China

seen from Australia
seen from Belgium

seen from United Kingdom
seen from United States

seen from Saudi Arabia
seen from China
hindi na pipigilan ang luha, sa bawat oras na maisip ka. hindi mawawalan ng pag asa, sa pagitan ng wakas at ng simula.
Nasa pagitan ako ng pag-alala at paglimot.
HARA ADA
Si Hara Ada isang importanteng karakter sa Pagitan. Si Ada ay may pagkakatulad kay Dhanica kasi isa siyang maunawain reyna at kayang tugunan ang lahat ng responsibilidad. Ganoon rin ako, sa tingin ko.
Hindi naman ganoon kabigat ang pagganap ni Reyna Ada rito, isa siya sa mga tutulong sa bida na gagampanan ni Abigail Quinto sa Pagitan. Abangan ang aming pinaghandaan na presentasyon para sa Paradoxical Dilemma na akda ni G. Bernardo Ramos.
Pagitan
Magkaiba na tayo
ng tinatahak na landas.
Wag kang tumakbo.
Dati ka nang malayo mula sa akin.
Maglakad tayo nang magsimbilis
kahit hindi ito ang daang tinatapakan
ng iyong mga paa.
Pag minsang nagtagpo,
hawakan mo ang
aking kaliwang kamay
habang isinasatitik ng kanan
ang lahat ng mga nakatagong
lihim ng ating mga pusong
hindi mapag-isa.
#pagitan #tula #gap #goodfriday #emote #batangas
mga namagitan
sa mga pagitan ng mga minuto ng mga oras at maikling segundo nawala ka sa akin at nawala ako sa yo sa isang iglap hindi na mahagilap ang mga damdaming mapili at nakapa-ilap. sa mga pagitan ng mga letra ng mga tuldok at mabulaklak na salita aangkinin ng dagat sa buhangi'y nakatala sa isang kisap mata naglaho na lang bigla mga pangakong laan sa isa't isa. sa mga pagitan ng mga pangarap mga alaala at inindang hirap mga tamis ng itinagong ngiti may kinabusan pa bang hinaharap? sa isang bugtong hininga larawan ay nabura ng mga araw na hindi matawaran ang saya. dahil sa mga pagitan ng mga minuto ng mga oras at maikling segundo sana'y napaglapit ang mga pusong magkalayo ngunit sa isang bugtong hininga nagdesisyon ang isa sa kanila mga oras na nawala ibigay na lang sa iba.