#Pamamaalam https://www.instagram.com/p/B6QeacjB60c/?igshid=1rktw66jbp1ko
seen from United Kingdom
seen from Canada

seen from France

seen from Mexico
seen from United States
seen from China
seen from China
seen from Singapore

seen from Malaysia

seen from France
seen from Netherlands
seen from United States

seen from Poland
seen from Maldives

seen from Germany
seen from Germany

seen from United States
seen from South Korea
seen from United States
seen from China
#Pamamaalam https://www.instagram.com/p/B6QeacjB60c/?igshid=1rktw66jbp1ko
Ang pinakamasakit na goodbye, yung hindi pa naririnig ng tenga mo, pero nararamdaman na ng puso mo.
Di sya nag goodbye 😅
“Huli”
Lumuluha ngayon ang mga tala, Kasabay ng damdamin nyang nawawala. Pagtangis nya ang tanging maririnig, Puso nya ay saglit huminto ang pintig. Nang malaman nya ngayoy may kasama ka na sa alapaap, Hinagpis naman ang sa kanya ngayon ang nakayakap.
Bukas sisilip din ang mga ulap, Sa mundong nilikha mo na sobrang ilap. Magliliwanag muli ang kalangitan, Dapat ka na nyang iwaglit at kalimutan.
Dahil ito na ang huli..
-Gulai
7•9•2017
Pag-ibig at Pamamaalam Ni Kim Erick Manalo at Fate Panlilio Absurdo ang pagibig. Walang pinanghahawakan, Tumatatak sa isip, kahit hndi larawan. Minsan naiisip kong Ang pagibig ay isang kasinungalingan. Uulit-ulitin mong bigkasin Hanggang sa maging siya mong katotohanan. Katotohanang patutunayan ng bibig, Tibok at pintig Nagbubungguang reaksyong nakasilid Sa buo na dibdib, Tiyakin ma't planuhi'y sobrang widwid. Mga daga sa dibdib at mga paruparo sa sikmura, Papagurin ka sa paghabol Ang nais lamang ay lumaya. Pero di lahat ng pag-ibig ay tama. Hindi lahat ng umiibig nagmamahal. Larawan lang ng kasinungalingang hindi pa kayang bitawan. Maiiwang nakabitin sa blankong pader, Wala kang magagawa kundi titigan lang ng titigan. Kaya kung iibig Dapat ay matutong magpaalam Ito'y isang tungkuling May iresponsibilidad pa ring nakaatang. Maraming may mabuting hangarin Ngunit sa pagtagal ay nagiging harang. Di natatapos sa Oo Parang walang katapusang halalan. - Cheers sa ating first collaboration. Perform natin yan minsan. #pagibig #pamamaalam #tula #hugot #poetry #collaboration #artistsph #poetryph
Ang Aking Pamamaalam
Una pa lang
ako na ang talo.
Hindi ko alam kung bakit,
anong nangyari o paano -
basta na lamang akong nahulog sayo.
Ang masakit pa dito
kahit anong gawin mong
pagpipilit sa sarili mo
hindi mo kayang saluhin
ang padausdos na puso ko.
Akala ko kaya kong tiisin lahat ng mga bagong damdaming pinaparamdam mo sa akin pero... nagkamali ako.
Hindi ko pala kaya dahil sa likod ng utak ko, alam na alam ko na hindi talaga ako ang gusto mo...
At tama nga!
Tama ang hinala ko mula nang inamin mo na hanggang sa kaibuturan ng puso mong pinilit maging bato, apektado ka pa rin sa presensiya ng dating mahal mo.
Tanggap ko,
Tanggap ko na hanggang dito lang tayo.
Wala naman kasi talagang tayo.
Gasgas man pakinggan, tulad ng tipikal na problema ng karamihan sa mga nagmamahal pero ganun talaga eh. Walang tayo.
Pero sinubukan ko.
Kahit alam kong ako ang talo,
sumubok pa rin ako.
Nakabuo ako ng isang desisyon at resolusyon dahil ayokong ipagtulakan ang sinasabi mong pagmamahal mo... kahit hindi ko naman madama ng lubusan ito.
Ayokong pagsisihan ang mga bagay-bagay dahil lang inamin mong may nararamdaman ka pa rin sa dating nobya mo.
Umakto ako ng naaayon
sa gusto ng puso ko - nagpakanobya ako
kahit wala naman talagang tayo.
Ngunit,
alam ko rin
na ang pagsisilbi sayo
ang huling bagay na maiaalay ko.
Gusto kong lang naman kasing malaman kung may magagawa ba ako para sayo. Ayoko rin lang matulad sa iyo na hindi makalingon ng tuwid sa paroroonan dahil sa mga bagay na pinanghihinayangan mo sa nakaraan.
Umpisa pa lang alam ko na ang sagot.
Umpisa pa lang.... talo na ako.
Kahit pa sabihin mong malakas ang kapit ko
at kahit anong pilit ko na wag mahulog ng tuluyan sayo.
Dahil kahit hanggang sa dulo,
alam kong
hindi ako ang pipiliin mo.
Kaya inunahan na kita,
pinili ko na ang sarili ko para sayo.
Paalam.
Closure
“Nawawalan na ako ng gana. Hindi na ako seryoso.”
Yan yung nga salitang nabanggit ko sa'yo noong gabing magkaaway tayo at tinanong mo sa akin kung seryoso pa ba ako sa relasyon natin.
Sorry. Sorry kung kaagad akong nagsawa. Sorry kung nawalan ako ng gana agad sa relasyon na halos araw-araw nalang pagaaway ang ginagawa natin. Pasensya ka na kung naging unfair ako sa'yo sa ibang bagay tulad ng oras, at atensyon.
Mahal kita, oo. Hindi ako nagsinguling doon. Never ako nagsinungaling. Kung tinatanong mo kung naging seryoso ba ako? Oo, seryoso naman talaga ako sa relasyong pinasok ko pero siguro lahat talaga ng bagay may hangganan. Totoong nawalan ako ng gana sa araw-araw nating pag-aaway. Alam mo naman na galing ako sa 2years na pagiging single. Siguro nabigla lang ako sa mga nangyareng changes nung naging tayo na. Pinilit kong mag hold on sa relasyon natin dahil ayaw kong masayang yung mga efforts, oras at iba pang mga nainvest natin, lalo na ang love. Pero siguro nga hindi para sa atin ang relasyon na ito. Hindi tayo nagkakasundo sa halos lahat ng bagay na nagsasanhi ng pagaaway natin. Oo, mahal natin ang isa’t isa, pero ayaw kong hayaan na ipagpatuloy pa ang relasyon natin na lagi nalang tayo nagkakasakitan. Hindi siya healthy para sa relasyon natin at hindi siya healthy sa atin, emotionally.
Salamat. Salamat sa efforts mo at pagmamahal. Salamat sa mga bagay na ginawa mo para sa akin at sa relasyon natin. Salamat sa pakikipagusap sa mama ko at sa kaibigan ko para lang maisalba ang relasyon natin. Pero siguro nga hanggang dito nalang talaga tayo. Hindi naman ako sarado sa mga possibilities na pwedi pang mangyare sa atin sa future. Basta ang gusto ko lang sa ngayon… Ipangako mo sa akin na hindi mo pababayaan ang sarili mo. Siguro try muna natin magfocus sa mga careers natin.
Goodluck sa future natin. 😊
iloveyou (goodbye)?? haha joke.
- Duncan
PS we can still be friends. Sabi ko naman sayo hindi naman ako sarado sa mga possibilities.
Rather Be #upconcertchorus #upcc #pamamaalam #2016 #touroftheamericas #instavid #latergram (at UP College Of Engineering Theater, UP Diliman)
Ang Huling Letra Ng Tula Ko
Pinilit kong itago itong aking damdamin Pagkat alam kong ikaw ay di dapat ibigin Pero pano ko pipigilan itong nararamdaman? Sa twing makikita ka ako’y laging naguguluhan
Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo ako Kuntento na ako na magmahal ng patago Dahil sa istorya kong binubuo at ginagawa Kaya kong gawin lahat upang hindi ka mawala
Pero hanggang kelan ako magsusulat ng istoryang ito Sa pagmamahal mo na tila ba isang napakalaking imbento Dapat ko pa bang dayain na magiging tayo? Kahit alam kong noong una pa lang hindi na ito totoo.
Tatapusin ko kung ano mang nasimulan ko Kahit pa hindi maging magandang ang dulo nito Pangako pagkatapos ng mga letrang sinusulat ko Ang siya ring magsisilbing pamamaalam ko sayo
Siguro nga hanggang dito na lang ang tulang ito Hindi katulad ng pelikula na masaya hanggang dulo Pero isa lang ang nasisiguro ko ngayon Mas malakas na ako kaysa sa taong nakilala mo noon.