Mag isa
Siguro nga’y nagmamadali ang mga paa
marating ang mga pangarap na kasama ka
siguro nga’y hindi ka makasabay
sa bilis ng damdaming rumaragasa
Patawad kung ang tibok ay ‘di mapigilan
Patawad kung puno ako ng ‘ako at ikaw’
Patawad kung ngayon ako’y hihinto na
napagod na ata akong tumakbo mag isa
















