#Pagpupugay: Ready for the Feast of the Black Nazarene.✝️🙏💜 #WalkOfFaith @DJuvenileD 😇 #Nazareno2023 #VivaHesusNazareno #BatangQuiapo (at Barangay Don Bosco) https://www.instagram.com/p/CnHDjIpJNs8/?igshid=NGJjMDIxMWI=
seen from Spain
seen from United States

seen from China
seen from Spain

seen from Israel
seen from China

seen from United Kingdom
seen from Japan

seen from United States
seen from Australia
seen from United Kingdom

seen from China

seen from Canada

seen from Germany
seen from Australia
seen from United Kingdom

seen from India
seen from China

seen from Belgium
seen from China
#Pagpupugay: Ready for the Feast of the Black Nazarene.✝️🙏💜 #WalkOfFaith @DJuvenileD 😇 #Nazareno2023 #VivaHesusNazareno #BatangQuiapo (at Barangay Don Bosco) https://www.instagram.com/p/CnHDjIpJNs8/?igshid=NGJjMDIxMWI=
Mananatili kayo.
Isang katiyakan sa buhay ang kamatayan, ngunit walang mas sasakit sa paglisan ng kasama sa pakikibaka.
Sa nagdaang taon ng pasistang paghahari ni Duterte at kanyang kapalpakan sa pagtugon ng pandemya, marami nang mga kasama ang nagbuwis ng buhay at namatay sa karamdaman.
Pinakamataas na pagpupugay ang binibigay natin sa lahat ng mga kasamang maagang lumisan sa mundong ibabaw. Tunay nga na ang mamatay na naglilingkod sa sambayan ay mas mabigat pa kaysa sa Bundok ng Sierra Madre.
Patuloy nating aalahanin ang kanilang mga naiambag sa mga kasama at sa pakikibaka ng sambayan. Patuloy tayong huhugot ng lakas sa sa kanilang mga nauna upang magpatuloy sa buhay at kamatayang pakikibaka.
Ipagpapatuloy natin ang kanilang nasimulan, na isasalin sa mga susunod pang mga anak ng bayan, hanggang sa tagumpay.
Mananatili kayo sa amin, mga kasama. Yakapin ninyo kami ng inyong rebolusyonaryong diwa.
POLICE ka ba? Kasi sa kagitingan mo ako'y saludo. (Photo by Paulus Aragon) #banatADOR #catbalogancity #police #pulis #saludo #salute #honor #service #pagpupugay (at Catbalogan City Plaza)
Maraming Salamat Lyle at Liam Atienza sa mga guhit na ito!
Pagpupugay at Pasasalamat
Ika-sampu ng Septyembre. Ngayon ay isang espesyal na araw para sa akin, hindi ko birthday pero ito ang kaarawan kung kelan natupad ang isa sa mga pinapangarap ko, ang isa sa pinakamagagandang araw ng buhay ko. Ipinagdiriwang ko ang anibersaryo ng isang pangyayaring napakahalaga para sa akin na bunga ng aking pagsisikap sa tulong ng napakaraming tao. Dahil.... Ito ang araw kung kelan naging abot kamay ko ang aking panaginip, ang araw kung kelan naabot ko ang langit. Ito ang araw kung kelan sa akin ang buong himpapawid, kung saan ang hangin ay banayad na gabay ng aking bagwis. Ang araw ng kaganapan ng aking paglipad, ang araw ng pagpagaspas ng aking mga pakpak. Ang araw ng aking buhay, kung saan ang pag-asa'y muli kong natanaw. Ako ay nagpapasalamat sa lahat ng taong sa aki'y pumatnubay. Lalong-lalo na sa aking Kapitan na buong puso ang inalay. Hindi man ako kagalingan pero pilit niya akong inalalayan. Hinding-hindi ko malilimutan ang inspirasyong sa akin niya ibinigay. Sir, Salamat sa pag-hubog sa akin sa propesyong pinangarap ko. Salamat sa pagpapakita sa akin ng katotohanan sa mga panahong nabulag ako. Salamat sa paggabay noong mga araw na naliligaw ako. Salamat sa lahat....sa lahat ng tulong niyo. Ayan, Naluluha na tuloy ako sa mga pinagsusulat ko... Naluluha sa kaligayahan at galak. Sa lahat ng nagbigay sa akin ng inspirasyon....(Lalong-lalo na sa iyo Sir!) MARAMING SALAMAT PO SA INYO! Hinding-hindi ko kayo makakalimutan! -KapitanChico-
K po.
Isang salitang BALBAL. Dahil letra lamang ay hindi maaaring matawag na salita ayon na din sa mga morpema at ponema. Ayon sa isang batayan ng morpolohiya ang "K" ay isang simbolo lamang, HINDI ITO SALITA. Walang saysay ang isang letra dahil ginagamitan natin ng sintaks at balarila ang mga nais natin ipahayag.
Nauso ang "K po" dahil sa mga:
1. Taong ayaw sabihin na ayaw nila ang katalastasan nila.
2. Mga taong arogante sa pakiramdam ng naiiwan sa ere.
3. At mga taong walang masabi dahil hindi OA.
Dahil letra lamang ang sinabi sayo, napakahirap maintindihan kung ano ang nais iparating ng kausap mo. Pero dahil sa sosyal na implikasyon nagkaroon ng sistema sa isip ng tao na pagsinabihan ng "K po" ayaw kang kausap. Pero dahil letra lang ito, bawal ka gumawa ng konklusyon mo.
Mga implikasyon ng paggamit ng "K po."
1. Kapag sinabihan ka ng "K po." ng dalawang beses simula noong naguusap kayo. Regaluhan mo siya ng 1998 edition ng UP diksyunaryong Pilipino para makaganti ka sa pangiisnab niya.
2. Kapag sinabihan ka ng "K po." at sinundan ng "AAAH" o "sige lang" Sampalin mo siya ng pakongbakya at sambitin ang Article XIV ng saligang batas ng 1987 sa kanya para makaganti ka sa pagmumukha niya na wala kang kwenta magtanong.
3. Pero kung napakawalang kwenta naman ng tanong o sinabi mo sa kanya ang paggamit ng "K po." ay maaari. HAHAHAHA.
-___________-
Kasi naman, eto ang sa akin, wala lang yan eh, hindi yan ang magtatakda kung paano kayo magiging magkaibigan dahil kapag nagusap naman kayo ng personal ay hindi niya masasabi ang "K po." sayo ng seryoso. Nakakatamad magcellphone minsan, minsan wala lang talaga kwenta yung sinabi kaya nakakatamad. Tanggapin na lang ang K po. niya. Hindi ka naman mamamatay kapag sinabihan ka ng K po. Yun nga lang baka wala lang sa mood kausap mo o ayaw ka lang katext kasi creepy ka. K po?
PAGPUPUGAY SA MGA BAGONG ISKOLAR NG BAYAN!