Because I rarely use my cam and ig’s aspect ratio is weird.




#interview with the vampire#iwtv#the vampire armand#assad zaman


seen from Slovakia

seen from United States
seen from Yemen
seen from Slovakia
seen from Cyprus
seen from Hong Kong SAR China

seen from Spain

seen from Singapore
seen from United States

seen from Singapore
seen from United States

seen from Spain
seen from United States
seen from China
seen from South Korea
seen from Hungary
seen from China
seen from Georgia

seen from Slovakia
seen from Uruguay
Because I rarely use my cam and ig’s aspect ratio is weird.
Outtakes from today’s Pagsama shoot!
Thankful for days that make sense :)
Eto na andito na tayo huling likha. Medyo kabado dahil para bang nauubos na ang salita at paulit ulit na lang ang iyong mababasa. Puro mahal kita, ayaw kong ikay mawala at ikaw ay mahalaga. Sabi nila ang pangako ay napapako. Kaya ang mga sumusunod ay hindi pangako, ito ay mga bagay na sa abot ng makakaya ay gagawin ko. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Dahil alam ko ito ay magiging mahaba. Sana di ka magsawa at damhin ang bawat letra. Teka ito na nga. Pangako aking mahal Sasamahan ka sa paglalakad sa umaga sa pag eehersisyo Sasamahan kita sa pagtakbo mula sa mga bagay na nakakasagabal sayo Sasamahan kita sa pagkain ng mga bagay na hindi pa naiimbento Sasamahan kita sa pag inom ng tubig, tubig malamig, tubig mainit, tubig maligamgam o kaya yung may langgam Sasamahan kita sa pag upo sa mga nakakainip na kasiyahan o kaya naman sa pakikinig sa simbahan Sasamahan kita sa pagtalon sa bawat alon ng dagat Sasamahan kita sa pagbabakat ng paa sa buhanginan Sasamahan kita sa pagsusulat ng ating mga pangalan sa tabing dagat O kaya naman ay iukit natin sa isang matandang puno na naka angat Sasamahan kita sa panunuod ng mga nakakatawa, nakakaiyak, nakakasindak o nakakatamad na palabas Sasamahan kita sa pagsigaw sa Ginebra kapag natatalo na sila Sasamahan kita sa pakikinig ng mga lumang kanta na magpapaalala ng mga pinagsamahan nating maganda Sasamahan kita sa pagkain ng french fries kahit ang labi natin ay maputla na Sasamahan kita sa paggala sa mga lugar na hindi pa nakikita ng iba Sasamahan kita sa mga pangarap mo ma aabutin mo pa Sasamahan kita sa pag iyak sa mga bagay na nakakalungkot naman talaga Sasamahan kita sa pagtawa sa mga bagay na walang kakwenta kwenta Sasamahan kita pag may sakit ka kahit ako pa ay mahawa Sasamahan kita sa pormalan, sosyalan at kaswalan Sasamahan kita sa taon taong pagtitipon ng pamilya mo kung saan saan Sasamahan kita sa pagkanta pwedeng trip lang o pagkanta para sa pangalan Niya Sasamahan kita sa pagsayaw na ang pwet ang nauuna Sasamahan kita sa pagpapapayat o pagpapataba Sasamahan kita kahit pagod na ang aking paa Sasamahan kita paghinihingal ka, pag inuubo o sa lalamunan mo ay may bumabara Sasamahan kita pag sa buong gabi ay gusto mo lang ay maggitara Sasamahan kita sa iyong pagkakaba pag sa church ikaw ay maglelead na Sasamahan kita pag ang antok mo ay wala pa Sasamahan kita kapag sa trabaho ay ot ka Sasamahan kita kapag sa trabaho ay susuko ka na Sasamahan kita pag ang katropa mo ay gustong makipagkita Sasamahan kita sa lahat ng bagay na iyong itatakda Sasamahan kita dahil isang tawag lang ako ay andyan na Sasamahan kita dahil mahal kita Sasamahan kita pag silang lahat ay wala na At sa aking pagsama, hindi ko bibitawan ang iyong kamay. Ang yong loob ay papalakasin pa, ipapaalam sayo na mahal ako ay iyong kasama. Hindi ako aalis dito sa tabi mo dahil oo dito ako masaya. Aalagaan kita at mamahalin kita hangat kaya ko pa. At pangako patuloy kong kakayanin hanggat andyan ka. Mahal na mahal kita, higit sa buhay, pangalawa sa Maykapal.