Ang height ko parang Pilipinas. Walang pag-unlad
J. Jose

seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Malaysia
seen from Ireland
seen from Australia
seen from United States
seen from Russia
seen from China
seen from United States

seen from United States
seen from Poland
seen from China

seen from United Kingdom
seen from United States
seen from United Kingdom
seen from Germany
seen from United States
Ang height ko parang Pilipinas. Walang pag-unlad
J. Jose
Sana ay unti-unti ng mabawasan ang kahirapan sa ating bansa. Dahil sa kahirapan, marami ang nagugutom, lalo lamang tumataas ang krimen. Dapat lamang na tayo'y magtulungan at magkaisa para sa mas ikagaganda at ikauunlad ng ating bansa.
Lahat tayo ay gustong umunlad kasabay ng pagunlad ng ating bansa. Ngunit kailan pa nating balak magbago? Kung hindi ngayon, kailan?
Iba pang maaari kong maitulong sa pag-unlad ng Pilipinas:
Pagkakaroon ng disiplina sa sarili. Bilang isang Pilipino, dapat tayong matutong sumunod sa mga alituntunin ng pamahalaan. Sa pagiging madisiplinang tao, makakatulong ito sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Kung alam na nating mali, iwasan na itong gawin. Pagtitipid. Dapat alam natin kung saan gagastusin at di gagastusin ang ating mga pera. Mas mabuting gumawa ng mga listahan ng mga bayarin. Tsaka nalang bumili ng mga kagustuhan pag may extra pang pera. Alamin ang karapatang pantao. Dapat lamang nating malaman ang mga karapatan natin bilang tao at bilang Pilipino. Dahil sa ating kaalaman, maaari nating ipaglaban ang mga maling gawain ng gobyerno tulad ng mababang pagssweldo, maling pagpepresyo ng mga bilihin at iba pa. Pagtangkilik sa sariling produkto. Imbis na imported ang ikonsumo ng mga konsyumer, mas mabuting sariling produkto na lamang upang makatulong sa pagkita ng mga ibang Pilipino at para na rin sa pagtaas ng ating ekonomiya.
Bilang isang estudyante, paano ka makakatulong sa pag-unlad at pagsulong ng iyong bansa?
Bilang isang estudyanteng Dominikana, maaari na akong makatulong o makapagambag sa maaaring pagunlad at pagsulong ng ating bansa sa pamamagitan ng pagiging mabuting modelo sa aking mga kapwa estudyante at sa mga nakababata pang henerasyon. Madaling sabihin ngunit mahirap gawin. Totoo nga namang mahirap maging isang mabuting modelo sa mga nakababata dahil lahat ng iyong gagawin ay kanilang titingalain sa akala nila'y mabuti lahat ng ginagawa mo. Ngunit ito ang kailangan ng bansa natin ngayon. Kaya para sa akin, magiging magandang ehemplo ako sa mga kabataan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti hanggang sa makapagtapos. Paano nga ba makakatulong ang isang estudyante pa lamang sa pag-unlad ng Pilipinas? Ano kaya ang magiging epekto ng aking pag-aaral sa ating ekonomiya? Maaaring ako'y maging isang matalinong abogado, o di kaya'y mayamang entreprenyur. Medyo malabong mangyari ngunit wala namang imposible. Kapag nagkaroon ng tsansang makapagtayo ng isang kompanya o di kaya'y maliit na negosyo lamang ay maaari akong makapagbigay ng trabaho sa iilang tao. Dahil dun mababawasan ang mga taong walang trabaho pati na rin ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom. Mababawasan na rin ang mga krimen na mangyayari dahil mayroon na silang kinikitang pera, na siyang dahilan ng mga krimen na nangyayari ngayon. Kung ako naman ay hindi palaring maging negosyante, pwede rin namang ako ang magtatrabaho para sa iba. Dahil dito, madadagdagan ang tax payer sa Pilipinas. Ang tax na ikakaltas sa aking magiging sweldo ay maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng bansa dahil sabi ng ating mga politiko na napupunta raw sa mga MAS nangangailangan ang mga buwis na nakokolekta nila (sana nga ay nangyayari talaga). Dahil dun, may posibilidad na umunlad ang ating bansa Kaya kung maraming bata ang naligaw ng landas, sana magtulung-tulong tayo para sa ikabubuti ng ating mga sarili at ng ating bansang tinitirahan.
Ang pag-unlad at pagsulong ay dalawang magkaibang salita. Alamin natin kung ano nga ba ang pinagkaiba ng pag-unlad at pagsulong? Ang pag-unlad ay "growth" sa Ingles na ang ibig sabihin ay bunga o resulta ng isang prosesong nagpapakita ng pagbabago sa isang ekonomiya na madaling masukat at makita. Ang pagsulong naman ay "development" sa Ingles na ang ibig sabihin ay yaong mga sumasaklaw sa katarungan, dignidad, seguridad at pagkapantay-pantay ng mga tao. Ito ang kabuuang proseso kung saan ang mga aspeto ng lipunan, ekonomiya, kultura at ng pulitika ay nabibilang.
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Dr. Jose Rizal
Wag mong isipin na pinagkaitan ka ng mundo. Lahat tyo me kanya kanyang lungkot. Lahat tyo dumadaan sa pagsubok. Tuloy lang ang buhay :)
Joei