So ano nga ba ang ibig sabihin ng “hugot”? Ito ay ang pag-halintulad ng mga nangyayari sa kapaligiran sa nararamdaman ng isang tao. Sa madaling salita, ang pag-hugot ay ang “pag-relate” ng mga bagay-bagay sa buhay may sense man ito o wala.
Ito ang madalas ginagawa ng mga taong sawi o nagpapakasawi. Bakit nila ginagawa ang pag-hugot? Malamang kasi hindi pa maka get over sa mga nangyari o nangyayari sa buhay nila kaya lahat na lang ng makita nila, hinahanapan nila ng koneksiyon sa nararamdaman nila. O kaya naman sadyang trip lang nila magpaka emo. Sila yung mga tipong lahat ng tweets ay puro lyrics ng sad love songs kulang na lang i-post na yung link ng lyrics at nung music video. Sila rin yung tipong pati homescreen at lockscreen ng cellphone ay quotes na kinuha sa tumblr o kaya sa google.
“Ang love parang siopao, BOLA-BOLA lang”
“Ang love parang rubber band na naka naka stretch, pag binitawan ng isa, masasaktan yung isa”
“Ang love parang EDSA, hirap maka move on”
“We accept the love we think we deserve”
“Sana ako na lang, ako pa rin, ako nalang ulit #OneMoreChance #hugoat”
“please don’t be in love with someone else please don’t have somebody waiting on you #NowPlaying”
…….at kung anu-ano pang kasawian na puwede i-broadcast sa Twitter o sa Facebook.
Ngunit, hindi lahat ng humuhugot ay sawi. Mayroon din namang humuhugot kasi sobrang good vibes ang dumadaloy sa katawang lupa nila. Tipong sobrang inspired kaya lahat ng makita nila sa paligid, kahit madumi, ay tila nagmumukang maganda at kaakit-akit para sa kanila. Sila yung talagang positive sa lahat. Kahit mabasted o bumagsak sa exam ay talaga namang good vibes parin. Sila yung talagang makikitaan mo ng pag-asa sa kanilang mga mata.
“Ang love parang pagpapatuyo ng damit, it takes time. #hope #IWillWaitForYou”
“I’m walking on sunshine woooooahhhh”
“MU=Medyo Us #tiwala”