KAIBIGAN. Hindi ko alam kung paano nagsimula, pero di naman iyon ang kailangan. Ano nga ba ang kaibigan? Ano nga ba si Kyla, Kate, Paolo, at Alvin?
Sila yung mga taong nasa tabi ko sa mga panahong hirap na hirap na ako. (Bukod sa pamilya ko). Tanggap nila ako sa kabila ng mga isyu ko sa sarili ko; lahat ng flaws ko. Tanggap namin ang isa’t isa, kahit namagkakaiba kami ng personality.
Lagi sila nandidyan. Actually, one call away lang talaga. Kahit na di mo sila kailangan, nandydyan pa rin. Sila yung mga klase ng tao na hindi ka gagaguhin o paplastikin. Harap-harapan nilang sasabihin sa’yo lahat ng ayaw nila sayo at mga pagkakamali. Kasi nga ang totoong kaibigan ay totoo.















