I’ll Be A Matriarch In This Life (I Shall Master This Family!)
Ahhhh sheeettt! hindi ko na talaga macontain yung kilig koooo. Ano ba naman yang mga ganyang tingin loooord hahaha. Tawang tawa pa ako kasi flinood ko na ng chats si April mula sa part na ’to (yung friend kong nagreco nito).
Nakakatuwa lang kasi first time ko magkaroon ng friend na nagbabasa rin ng manga/manhwa/webtoon. Isa rin talaga ito sa mga answered prayers ko. Iba kasi pag meron kang kaibigan na makakashare sa panghahype ng mga babasahin. Namiss ko yung palitan ng libro nung college. Lahat kami halos into Nicholas Sparks yun nga lang, never kami nag-usap about the plot kasi ayaw naman namin maging spoiler sa mga interested din na hindi pa nakakabasa. And sobrang fast paced ng college life kaya hindi kami nagkaroon ng time na mag-usap usap pa about sa nabasa namin then g na g agad manghiram ng next book. Nung younger years naman solo ko lang din kilig ko sa mga pocketbooks, salamat sa Tita ko at kapitbahay naming generous magpahiram ng Precious Hearts Romances collection 🥹
Anyway, ituloy ko na ’to kasi nag time skip na. Excited na ako makita anong itsura ni Gallahan 😂








