JAN MICHAEL. Ewan ko ba pero di talaga ko comfortable sa name ko. Nung tinanong ko sa nanay dati kung san galing name ko, sabi niya sa isang american show daw na yun name ng bida. Di naman niya matandaan name nung show.
Di ako sanay sa name ko kasi di siguro bagay sa mukha ko. Haha. Kahit yung palayaw ko na JM di rin bagay. Haha. Madalas nga nagkakamali pa ng tawag sa akin lalo na yung di pa matagal na kakilala. Tinatawag akong MJ, JJ, RJ. 2 letters na nga lang di pa mahuli. Haha. Kaya sinabi ko na just me EM.
Pero infairness galing ng pagkaka pangalan sa akin. 1986 ako pinanganak kaya ang karaniwang name ng mga classmates ko ay AMBROSIO, LUCIO at PEDRO. At tsaka di pa uso jejemon nun pero yung name ko imbes na John ay naging Jan. Well, January kasi birthmonth ko.
Ok na rin yun basta alam ko realname ko bagay man or hindi. At kahit ano pa name ko okay lang sa akin na tawagin mo akong baby.












