You’ve come so far, you can’t quit now. #39days
seen from United States
seen from France
seen from Russia
seen from United States
seen from China

seen from United States
seen from Yemen
seen from Nepal
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from Australia
seen from Japan
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Singapore
You’ve come so far, you can’t quit now. #39days
FILM REVIEW: Kimi no Na wa.
“Kimi no na wa” ang pinakabagong (Japanese anime film) penikula ni Makoto Shinkai o maskilala sa kanyang ibang gawa tulad ng “5 Centimeters Per Second”, “Children Who Chase Lost Voices”, at iba pa. Makikita natin sa mga penikula ni Makoto Shinkai na mahilig talaga siya gumawa ng mga penikula na may naghihiwalay sa mga magkasintahan (Star-crossed lovers) ngunit hindi ito ang karaniwang romantic drama na ginagawa niya kundi may “twist” ito na ‘Body swapping’ ng dalawang bida.
Nagsimula ang kuwento ng penikula na may isang dalaga na pangalan Mitsuha, nagising siya at napansin niya na babae na siya, mukhang karaniwan naman ito ngunit si Taki, isang binata sa Tokyo, ang nasa loob ng katawan ni Mitsuha at sa Tokyo naman nagising si Taki at nalaman niya na lalaki na siya dahil nagkapalit ng katawan si Mitsuha at si Taki. Ngayon ang dalawang bida na’to na nagising sa katawan ng isa’t-isa ay naghahanap ng paraan paano mabuhay sa katawan ng isa’t-isa, paano malaman kung bakit ito nangyayari, pero sa bandang huli naman ay napahalagahan nila ang isa’t-isa sa mga pangyayaring ito.
Talagang namangha ako sa palabas na ito: sa napakagandang visuals, napakahusay na mga eksena ng kuwento, at sa mga maliliit na detalye nito. Hindi siya yung karaniwan mong romance film na nakikita mo lang sa mga American films. Binibigyan pansin niya talaga lahat ng mga bagay: sa kultura at tradisyon ng Hapon, mga kalagayan ng mga kabataan doon, at iba pang bagay. Nakikita rin natin sa penikula nito ang mayayaman na imahinasyon ng mga Hapon na pwede rin natin makuhanan ng inspirasyon.
Ang “Kimi no na wa” o Your Name ay walang alinlangan isa sa mga pinakapaborito kong Japanese Animated Film dahil sa napakahusay na paggawa ni Makoto Shinkai dito. Naipapakita talaga nito na hindi lang para sa atin, mga kabataan, ang Animated Films kung hindi para sa lahat mapahalagahan ito. Naghahatid rin ito ng mensahe para sa atin, ang mga manonood. “I feel like I’m searching for someone, or something. This feeling has possessed me I think, from that day… The day when the stars came falling.”
Buhay estudyante kasapi ng Internet at Social Media
Lahat ng bagay, alam naman nating may mabuti at masamang dulot. Pero depende parin naman ito sa atin at sa kung paano natin ito gagamitin. Bilang isang estudyante sa makabagong henerasyon, masasabi ko na isa din ako sa palaging gumagamit ng internet lalo na ang social media. Ngunit alam ko din naman kung hanggang saan na lang ang hangganan ng paggamit nito. Maryoon itong mabubuting dulot kung gagamitin natin ito sa tamang pamamaraan. Base sa aking mga naranasan, ang internet at social media at totoong napakahalaga.Mga halimbawa ay sa pananaliksik, sa isang saglit ay mayroon ka nang makikitang sagot sa tanong, hindi katulad ng dati na kung saan ay maghahanap pa tayo sa mga libro natin. Nang dahil din sa tulong ng internet ay nagkakaron ako ng komunikasyon sa mga kaibigan at kapamilya ko na malayo sakin. Sila ay aking nakakausap, at paminsan ay nakikita pa nga. Malaki rin ang naitutulong ng internet sa buhay ng mga estudyante sapagkat sa pamamagitan nito ay nabibigyan kami ng impormasyon. Halimbawa: Kuapag umuulan at gusto naming malaman kung may pasok ba o wala ay hindi na namin kinakailangan pang magtanong kung kani-kanino dahil pwede naman na tingnan na lang namin sa website ng aming paaralan. Isa pa sa napakalaking tulong ng internet at ng social media ay ang pag multi task. Sa tulong nito, maaari mo nang pagsabay-sabayin lahat ng gusto mong gawin.Kung sa buhay ay hindi mo kayang magwalis habang namamalantsa, sa internet ay kaya mong makinig sa mga kanta habang nag iiscroll sa newsfeed mo. Sa tulong din ng socil media, Napapalawak nito ang ating kaisipan. Kumbaga, yung mga bagay na akala natin ay hindi posiblrng mangyari ay maaari naman palang mangyari. Tayo ay nagiging open-minded sa mga bagay. Hindi lamang nila napapalawak ang ating kaisipan, napapalawak din nito ang ating kaalaman. Sa tulong ng internet ay malalaman natin ang mga impormasyon sa mga bagay bagay na hindi natin makikita sa kahit anong libro. Sa pamamagitan din ng internet ay nagiging aware tayo sa kung ano ba talaga ang nangyayari sa kapaligiran o kaya mas nagiging updated pa tayo sa mga iba’t-ibang isyu. Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito ay pag nag pabaya tayo, o nagpalamon sa internet ay talagang magiging masama ito para sa atin. Maaaring maging ignorante tayo sa paligid natin, yung tipong hindi mo na alam kung anong balita kase masyado kang naka-tutok sa paglalaro ng online games. Maaari ding maapektuhan ang ating relasyson sa ibang tao. At higit sa lahat, baka hindi tayo makagawa ng nakalaang takdang aralindahil sa social media. Hindi naman masama ang internet at social media para sa atin. Sapagkat, nasa kamay natin kung paano ito gagamitin sa paraang makakabuti para sa atin.
Hindi option ang sumuko. Kung gusto mo talaga makukuha mo.