Nuestros juegos de cuerdas de KOMPAN seguramente crearán un factor WoW a su proyecto! #wow #playtime #kompan #juegosdecuerdas #redes #escaladores #panama (at Parques Infantiles Panama) https://www.instagram.com/p/CpWRM7FNEEM/?igshid=NGJjMDIxMWI=
seen from Yemen
seen from Canada
seen from Germany
seen from United States
seen from United States

seen from Australia
seen from Türkiye

seen from Canada

seen from United States
seen from Türkiye
seen from United States
seen from United States

seen from Sweden

seen from United States

seen from Sweden
seen from T1
seen from Netherlands
seen from United States

seen from Maldives
seen from Türkiye
Nuestros juegos de cuerdas de KOMPAN seguramente crearán un factor WoW a su proyecto! #wow #playtime #kompan #juegosdecuerdas #redes #escaladores #panama (at Parques Infantiles Panama) https://www.instagram.com/p/CpWRM7FNEEM/?igshid=NGJjMDIxMWI=
ELIJA MENOS EMISIONES DE CARBONO CON KOMPAN en Panama por PLAYTIME
PARQUES INFANTILES SOSTENIBLES Hacemos posible reducir las emisiones de carbono eligiendo productos que nacen o se hacen ecológicos.Para un futuro mejor para nuestros hijos, todos debemos asumir la responsabilidad de reducir las emisiones de carbono. Según las Naciones Unidas, necesitamos reducir el carbono en un 45% antes de 2030 para mantener el aumento de la temperatura en solo 1,5 grados.En…
View On WordPress
ELIJA MENOS EMISIONES DE CARBONO CON KOMPAN en Panama por PLAYTIME
PARQUES INFANTILES SOSTENIBLES Hacemos posible reducir las emisiones de carbono eligiendo productos que nacen o se hacen ecológicos.Para un futuro mejor para nuestros hijos, todos debemos asumir la responsabilidad de reducir las emisiones de carbono. Según las Naciones Unidas, necesitamos reducir el carbono en un 45% antes de 2030 para mantener el aumento de la temperatura en solo 1,5 grados.En…
View On WordPress
Pag-unawa sa konsepto ng Pangwika
4. Magsagawa ng isang BLOG ukol sa paksang "Kultura at mga Tradisyon sa Pilipinas"
Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan. Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon.
Ang Wikang Filipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.
Narito ang mga Kaugaliang Pilipino
Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong.
Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak.
Pakikisama: Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba.
Hiya: Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; ang kung sila ay nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak.
Utang na Loob: Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na kanyang dinaanan.
Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad.
Delicadeza: Isang ugali na kailan na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa lugar.
Palabra de Honor: "May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga sinabi nitong mga salita o pangako.
Pagsasabi Ng “Po” At “Opo”
Panghaharana
Hospitable
Lubos na paggalang sa matatanda
Pagmamano
Relihiyoso
Pamamanhikan
Narito naman ang mga Relihiyon
Kristiyanismo
Anitismo
Katutubong relihiyon o shamanismo
Islam at iba pa.
Narito naman ang mga Pagkain
Sinigang – Malaking bahagi ito ng kultura ng Pilipinas pagdating sa pagkain, Kombinasyon ng iba’t ibang gulay at karne ng baboy o seafood na may maasim ang sabaw.
Adobo – Hindi kumpleto ang kulturang Pilipino kapag walang adobo. Maalat na maasim ang sabaw dahil sa toyo at suka na pangunahing sangkap nito. Isa ito sa mga pinakasikat na pagkain sa kultura ng mga Pilipino.
Sisig – Tinadtad na maskara, tenga o mukha ng baboy ang sisig. Ito ay malaking bahagi ng kultura ng bansa, lalo na sa Pampanga kung saan ito ay nakilala.
Kare-Kare – Kulay dilaw ito dahil sa mani at peanut butter na pangunahing sahog nito.
Lechon – Hindi rin kumpleto ang uspaang kultura ng Pilipinas kapag wala ang lechon. Malutong ang balat at malambot ang laman na masarap ipares sa liver sauce.
Crispy Pata – Gaya ng lechon, malutong ang balat ng crispy pata at malambot at malinamnam ang laman.
Bulalo – Malinamnam na sabaw na may iba’t ibang gulay, at karne at bone marrow ng baka.
Kansi – Pinaghalong bulalo at sinigang. Sikat na pagkain ng mga Ilonggo.
Halo-Halo – Sikat na pampalamig sa Pilipinas na may sari-saring sangkap.
Suman – Malagkit na kakanin na masarap ipares sa latik o tsokolate.
Puto Bumbong – Sikat na pagkain tuwing pasko. Kulay violet at may toppings na niyog, asukal, margarine, at cheese. Bahagi na ng mga kulturang Pilipino ang pagkain ng puto bumbong lalo na tuwing kapaskuhan.
Sorbetes – Isa sa mga paboritong panghimagas ng mga Pinoy lalo na kung tag-init
Narito naman ang mga Selebrasyon
Likas sa mga Pilipino ang pagiging masayahin kahit pa sa oras ng problema, nakukuha pa rin ng mga Pilipinong ngumiti at tumawa. Dahil sa magandang kaugalian na ito ng mga Pilipino, hindi na nakapagtataka na bawat sulok ng Pilipinas ay may kani-kaniyang piyesta o selebrasyon na malaking bahagi ng kultura ng Pilipinas. Dito ay mababatid mo na kung ano ang kultura para sa mga Pilipino dahil sadyang mapagpahalaga sila sa mga kaugalian at tradisyon.
Ang ilan sa mga sikat na piyesta sa Pilipinas ay ang:
Sinulog Festival – Cebu
Ati-Atihan Festival – Aklan
Dinagyang Festival – Iloilo City
Pahiyas Festival – Lucban, Quezon
Panagbenga Festival – Baguio City
Lechon Festival – Batangas
Kadayawan Festival – Davao City
MassKara Festival – Bacolod
Tuna Festival – General Santos City
Higantes Festival – Angono, Rizal
Pagdating sa kultura ng Pilipinas sa pananamit, laging nakasunod sa uso ang mga Pilipino. Pero noong unang panahon, ang tradisyonal na kasuotan ng mga Pilipino ay Baro’t Saya para sa mga babae at Barong Tagalog o Camisa de Chino para sa mga lalaki.
SURIIN
1. Bakit mahalaga ang paggamit ng unang wika?
- Dahil ito ang ating kinagisnan. Dito natin naipapahayag ng malinaw at komportable ang ating mga sasabihin o saloobin.
2. Bakit mahalagang matutuhan ang ikalawang wika?
-Mahalaga ito dahil ito ang parang nagsisilbing tulay para sa dalawang taong magkaiba ang nakagisnang wika.
3. Lumikha ng tula na naghahambing sa una at ikalawang bilang ng konseptong pangwika.
Ito ay unang wika,
Ito'y ating nakagisnan,
Wikang katutubo,
Na natamo mula pagkasilang.
Unang wika'y nakagisnan,
Pangalawang wika'y ating natutunan,
Ito'y ating pahalagahan,
Dahil tulay ito sa pagkakaintindihan.
Ano mang wika ang gamitin,
Ito'y ipagmalaki at mahalin,
Ito'y nagpapahayag ng ating saloobin,
At ito'y sumasailalim sa atin.
Wikang katutubo o natutunan,
Gamitin sa komunikasyon,
Upang maghayag ng opinyon,
At kayo'y magkaintindihan.
Marami sa atin ngayon ang nagtataka kung bakit nga ba ang Pilipinas ay nasa napakahirap na sitwasyon pagdating sa pagbili ng mga bakuna? Ayon kay Pangulong Duterte “Ang problema ay binili ng mga mayayamang bansa ang lahat ng mga suplay. Mayroong pag-aagawan [para sa mga bakuna] ngayon”. May ilan na nagsasabing hindi raw natulungan ng gobyerno ang ating mga tao sa problemang ito na siyang nagdudulot nang kanilang pagkabalisa at panghihinayang. Ngunit para sa akin, hindi natin dapat minamadali ang gobyerno sa pagkuha ng mas madami at mas magandang bakuna para sa mga tao sapagkat alam naman nating ang Pilipinas ay isang bansa na may mababang kita.
Sa kabilang banda, kinakailangan ang indemnification funds or programs sa ating bansa sapagkat ang mga bakuna na ginagamit sa buong mundo ay nasa ilalim pa rin ng pahintulot sa paggamit ng emergency use authorization (EUA), na may limitadong panandaliang datos lamang na maaaring lumabas mula sa pagtanggap ng isang shot ng bakuna. Sa ilalim ng programang ito, sumasang-ayon ang pamahalaan na ang pamamahagi ng mga bakuna tulad ng COVAX, kasama ang mga tagagawa ng bakuna, ay hindi mananagot sa mga hindi inaasahang masasamang epekto o kalalabasan ng paggamit ng bakuna. Ito ay isang peligro na kinakaharap ng pamahalaan kapag nagbibigay apruba sa biglaang pangangailangan ng paggamit ng mga bakuna sa panahon ng pandemya ngunit nakuha naman ng Pilipinas ang unang dosis ng bakunang Pfizer sa nabawasan na presyo, salamat sa pangunguna ng World Health Organization na kilala bilang COVAX.
Samakatuwid, ang gobyerno ay humahanap pa rin ng paraan upang mapunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan at upang makapagbili na sila ng bakuna na naaayon sa kanilang badyet. Hindi man ito lahat naiintindihan ng karamihan sapagkat sana ay ang ilan sa inyo ay naiintindan at nababatid ang nais na ipahiwatig ng gobyerno. Hindi man perpekto ang ating gobyerno at makikita man natin na may ilan rin silang kapalpakan ngunit ating tandaan na huwag sana natin silang madaliin sapagkat sila rin ay tao lamang, kagaya natin.
Makabayan
Ericka Pfeiffer S. Delos Verlas, 11-Quadrio
Karamihan ay nag alab ang damdamin sa anunsyong tatanggalin na raw ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Dahil dito, nagkaroon ng protesta ang mga estudyante at mga guro sa kolehiyo na nagtuturo ng Filipino at Panitikan. Bakit nga ba pinatanggal ang Filipino at Panitikan? Ano ang naging epekto nito sa mamamayan? Nakatulong ba ito? O ikinalala?
Ayon sa panayam ng GMA Public Affairs sa mga guro, estudyante, at iba pa, makikita sakanila ang lungkot, galit, at ang pagiging isang makabayan. Bakit nga ba tinanggal ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo? Base sa CHED at DepEd, inilagay nila ang mga dapat na ituturo sa 1st at 2nd year college sa Senior High School upang pag dating daw sa kolehiyo ay mapokus nila ang mga major subjects ng kanilang kinuhang kurso. Ano nga ba ang naging epekto nito sa mga Pilipino? Ayon sa pinanuod, babaeng estudayante na si Jeunnezeanne Penaflor, isang Pilipino ngunit pinanganak at lumaki sa bansang Brunei. Sa kaniyang karanasan, hindi pa siya pamilyar sa Pilipinas. Lalo na sa kaniyang pananalita. Hirap siyang makipag usap sa ibang tao dahil nga sa kaniyang hindi pagkapamilyar sa wikang Filipino. Sa tuwing nagsasalita ng Tagalog ay siyang pagtatawanan kaya kalaunan ang ginagamit niya na lang ay Ingles. Isa pa ay ang mga gurong nagtuturo ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Sa pagtanggal nito, marami ang nawalan ng trabaho. Lumipat ng ibang asignatura, nalipat sa mga estudyanteng nasa Senior High School. Ngunit sa rami ng nagtuturo, may posibilidad na hindi lahat ay makakuha ng oportunidad. Ano nga ba ang reaksiyon ng bawat isa sa pagtanggal nito? Bawat isa ay may kaniya-kaniyang opinyon at paglalaban ngunit ang pinaka-angat sa lahat ay ang pagbasura raw o hindi pagpapahalaga sa Filipino at Panitikan.
Sa aking palagay, hindi dapat maging optional ang Filipino at Panitikan sapagkat ito ang ating sariling wika. Bigyan ng pahalagahan at tahakin pa ng mas malalim ang ating kasaysayan. Isa pa sa aking palagay ay hindi sapat na kahit na ginagamit ang wikang Filipino sa pang araw-araw ay hindi na ito pag-aaralan pa. Papaano na lang kung tayo ay tanungin kung ano ang ating kasaysayan, kung ano ang kwento ng ating bansa, kung papaano ipinaglaban ng mga Pilipino ang ating bansa? Oo, ito ay natahak na ngunit hindi lang naman iyong natahak na ang kwento ng Pilipinas. Marami pa galing sa mga sumulat ng libro na may iba't-ibang opinyon o kwento sa kanilang perspektibo. Kasabay ng ating paglaki ang pag-iba ng takbo ng ating isip at sa tingin ko, ang pag-aral ng Filipino at Panitikan kasabay ng ating pag-laki ay magiging iba ang epekto sapagkat tayo ay lantad na sa kung papaano gumalaw ang mundo at ang kung ano ang mga isyu. Lantad sa realidad at katotohanan. Kaya sa aking palagay, mas lalo nating mauunawaan ng mas malalim pa ang ating kasaysayan.
WIKANG FILIPINO, WIKANG MAPAGBAGO
ULAT NI: JULIAN CENIZA
Ang wikang pambansa natin na Filipino ay isa sa mga madalas na ginagamit na wika sa ating bansa. Sa panahon natin ngayon, kahit saang panig ng mundo, Malaki ang pag-asa na makakarinig tayo ng tao na gumagamit ng wikang Filipino. Habang dumadaloy ang oras, ang ating wika’y lumalaganap rin. Hindi lamang sa dami ng gumagamit, kundi sa dami ng mga makabagong terminolohiya na lumalabas. Ngunit, ginagamit kaya natin ito sa tamang paraan? Binibigyang pansin pa ba ang mga maliliit na detalye katulad ng “nang o ng” at “raw o daw”? Ang tamang istruktura or paraan ng pagsulat at pagbigkas ng Filipino, hindi na ba masyadong binibigyang pansin?
Ayon sa documentary ng GMA NEWS, dapat ba na paigtingin ang pag gamit ng wika sa paaralan? Sa aking sariling opinyon, dapat na higpitan ang patuturo ng wika sa mga paaralan upang mas tumino at mas rumami ang gumamit ng ating wika. Lalawak pa ang ating kaalaman at matututunan natin ang tamang pagsulat, pagbigkas, at paggamit ng wika. Makikita natin ang halaga ng paghihirap ng ating mga ninuno para ipaglaban ang ating wika. Gaano man kaliit ang detalye ang hindi natin pinapansin noon kapag gumagawa ng pangungusap, ngayon ay papahalagahan na natin. Ang pagpapaigting ng wikang Filipino sa paaralan ay magbibigay buhay sa mga estudyante upang magsumikap pa lalo mag-aral. Magkakaroon tayo ng mga aktibidad upang mas lalong lumaganap ang ating wika tulad ng paggawa ng tula, pagbigkas sa balagtasan, at pagsulat ng mga sanaysay.
Sa makatuwid, ang pagpapahalaga sa wika ay matinding makaka-apekto sa lahat sa isang mabuting paraan. Ang pagpapaigting ng wika sa ating mga paaralan ay makakatulong sa bawat estudyante upang mas mapabuti ang paggamit ng wika. Kung sa mata ng iba walang halaga ang kanilang wika, dapat baguhin natin yun. Ang ating wika ay hindi biro. Napakalayo na ang narating ng ating pambansang wika. Panigurado, kung hindi pinahalagahan ng mga tao noon ang wika na ginagamit natin ngayon, panigurado wala tayong wikang pambansa at hindi marunong mag Filipino o mag tagalog. Ang wika natin ay mahalaga, wag nating pabayaan na masira at mawala ito.