FILM REVIEW: Kimi no Na wa.
“Kimi no na wa” ang pinakabagong (Japanese anime film) penikula ni Makoto Shinkai o maskilala sa kanyang ibang gawa tulad ng “5 Centimeters Per Second”, “Children Who Chase Lost Voices”, at iba pa. Makikita natin sa mga penikula ni Makoto Shinkai na mahilig talaga siya gumawa ng mga penikula na may naghihiwalay sa mga magkasintahan (Star-crossed lovers) ngunit hindi ito ang karaniwang romantic drama na ginagawa niya kundi may “twist” ito na ‘Body swapping’ ng dalawang bida.
Nagsimula ang kuwento ng penikula na may isang dalaga na pangalan Mitsuha, nagising siya at napansin niya na babae na siya, mukhang karaniwan naman ito ngunit si Taki, isang binata sa Tokyo, ang nasa loob ng katawan ni Mitsuha at sa Tokyo naman nagising si Taki at nalaman niya na lalaki na siya dahil nagkapalit ng katawan si Mitsuha at si Taki. Ngayon ang dalawang bida na’to na nagising sa katawan ng isa’t-isa ay naghahanap ng paraan paano mabuhay sa katawan ng isa’t-isa, paano malaman kung bakit ito nangyayari, pero sa bandang huli naman ay napahalagahan nila ang isa’t-isa sa mga pangyayaring ito.
Talagang namangha ako sa palabas na ito: sa napakagandang visuals, napakahusay na mga eksena ng kuwento, at sa mga maliliit na detalye nito. Hindi siya yung karaniwan mong romance film na nakikita mo lang sa mga American films. Binibigyan pansin niya talaga lahat ng mga bagay: sa kultura at tradisyon ng Hapon, mga kalagayan ng mga kabataan doon, at iba pang bagay. Nakikita rin natin sa penikula nito ang mayayaman na imahinasyon ng mga Hapon na pwede rin natin makuhanan ng inspirasyon.
Ang “Kimi no na wa” o Your Name ay walang alinlangan isa sa mga pinakapaborito kong Japanese Animated Film dahil sa napakahusay na paggawa ni Makoto Shinkai dito. Naipapakita talaga nito na hindi lang para sa atin, mga kabataan, ang Animated Films kung hindi para sa lahat mapahalagahan ito. Naghahatid rin ito ng mensahe para sa atin, ang mga manonood. “I feel like I’m searching for someone, or something. This feeling has possessed me I think, from that day… The day when the stars came falling.”











