Pitong Katangian ni Papi Agyu
Nabitin ba kayo noong huling beses dahil di namin pinakilala ng husto si Papi? Puwes, ito na ang pinakahihintay niyong introduksyon!
Ngunit bago ang lahat, dapat niyong malaman na hindi kami magnonobela tungkol kay Papi (kahit gustong-gusto namin) dahil sa panahon ngayon, hindi na masyadong nagbabasa ang mga kabataan kapag lumampas na ng isang daan at apatnapu ang bilang ng titik. Tiyak na mabilis na ngang mawalan ng pokus at atensyon ang mga kabataan ngayon!
Sa halip, narito ang pitong (7) dahilan kung bakit namin mahal na mahal si Papi:
Tatlong beses siyang nagapi at namatay, ngunit di nagtagal ay nabuhay muli! Talagang walang sinabi ang mga epal sa buhay ni Papi! Basahin dito ang buong kwento!
Siya ang may pinaka maraming pangalan dito sa Nalandangan: Datu Lungba, Yungba-en, Yungbe-en, Salagyaen, Lumalu-lumalanday, Mendayawi te Yandang, Dig Dagatun Mayungba, Digdag-en Masalagya, Pinalangga te Yandeng, Makagwas Dig Dagatun, at Begyasan teg Libalan! Diba't nakaka-aliw?
May taglay siya na sobrenatural na lakas. Laking pasalamat talaga sa kanya at nailigtas niya tayo!
Si Agyu ay isang one-man army! Susko, kung hindi dahil sa kanya eh hindi sana tayo nanalo laban sa mga taga-Sagilan!
Tatay siya ng isa pang dakilang bayani dito sa Nalandangan—si Minayun! Basahin dito ang kuwento ng batang magaling!
Noong nilunok kami lahat ni Namanding, si Agyu ay naglakbay para hanapin kami. Minalas lang siya dahil sa nangyari sa kanya.
May mahiwaga siyang singsing at kalasag na kanyang inuutusan at tumutulong sa paglaban. Parang James Bond ng Nalandangan si Papi!
Oh, anong masasabi niyo? Ang galing ng Papi namin, no?










