Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
At sa lupa'y kapayapaan
Sa mga taong kinalulugdan niya
Pinupuri ka namin, dirangal ka namin
Sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin
Pinasasalamatan ka namin
Dahil sa dakila mong angking kapurihan
Panginoong Diyos, Hari ng Langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo
Bugtong na Anak, Panginoong Diyos
Kordero ng Diyos, Anak ng Ama
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa ka sa amin
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
Maawa ka sa aminSapagkat ikaw lamang ang banal
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang o Hesukristo
At ang kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kadakilaan ng Diyos Ama Amen! Amen!
Napakabuti ng Panginoon! Naaangkop pa rin sa atin hanggang ngayon ang mga pangakong sambit nya dati... purihin Sya! #verseoftheday #instaverse #Bi1Y #maaasahanKahitKailan #papuri https://www.instagram.com/p/B37R-sPnBUA/?igshid=18i5y99qn1kb9
Christian Musical Drama 2018 "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos
Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa masayang tugtugin.Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba Siya?!”
Taglay ang pagkamausisa at kawalang-katiyakan, isa-isang, humakbang sila papunta sa paglalakbay tungo sa paghahanap sa mga bagong salita ng Diyos. Sa kanilang nakakapagod na paghahanap, ilang mga tao ang nagtatanong samantalang basta na lamang tinanggap ito ng iba. Tinitingnan lamang ito ng ilang tao nang walang imik, samantalang nagbibigay ng suhestiyon ang iba at naghahanap ng mga sagot sa Biblia—naghahanap sila ngunit sa huli, wala itong bunga …. Kung kailan pinanghihinaan sila ng loob, isang saksi ang nagdadala sa kanila ng isang kopya ng Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, at malalim silang nahumaling sa mga salita sa aklat. Anong uring aklat talaga ito? Nakita na ba talaga nila ang mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa aklat na iyon? Tinanggap na ba nila ang pagpapakita ng Diyos?