Maligayang Araw ng Kalayaan!
-kahit malayo sa malaya ang pakiramdam ng ngayon
Maligayang Araw ng Kalayaan
-para sa iniwang pag-asa ng mga bayani ng noon.
Maligayang Araw ng Kalayaan
-para sa bayan na ipinaglaban, ipinaglalaban at ipaglalaban
Maligayang Araw ng Kalayaan
-bata, hindi panahon upang magdiwa, hindi maligaya kaya’t imulat ang mata
-paano mo nagagawang magdiwa kung isa ka sa mga buwaya?
-ni hindi ko inakala na darating ang panahon na manghihingi ka ng kalayaan sa kapwa
- bata isigaw mo ang mga hinagpis kailangan ka ng Inang Perlas
- huwag kang magpakabulag sa mga kampon ni Hudas
- labanan ang pasismo, magalit ka, mag-aklas ka!
- tayo ang magsisibling uling sa ating sariling pagliyab.
Maligayang Araw ng Kalayaan
- hindi pa malaya ang bayan
- hindi pa tapos ang laban.