Selos.
Ate:Alam naman nilang gf nya ko. Kaso ewan. Di ako makampante.
Me: Baka naman friend lang?
Ate: Friends nga Daw. Kaso, naiirita talaga ako. Hahaha
Me: Sampalin mo. Lols! De sabihin mo mismo ke *toot*.
Ate: kaso ayoko namang mapicture out niya na masyado akong selosa at tamang hinala. Kaya, gusto kong malinawan. Hahaha.
Me: Ngeh. ayun lang. Minsan iba tingin nila pag nagseselos ang isang tao.
Ate: Kaya as much as possible, pinipigilan ko e.
Me: Hindi rin. Paano niya malalaman na nasasaktan ka.
Ate: Diko alam. Haha. Minsan nga nasasanay na lang ako.
----------------------------------------------------------
Ayan yun text convo namin ni Ate. Haaay! Selos nga naman.
Kayo. Ano ba tingin niyo sa selos? Positive or negative?
May mga bagay kasi sa mundo na masyadong pinakukumplikado ng ibang tao, tulad ng selos. Sasabihin ng iba kapag selosa or seloso, paranoid, insecure, walang tiwala, hindi mahal, at kung anek anek pa. Pero naisip niyo ba talaga kung bakit nagseselos yun minamahal natin?
Hindi ba dahil mahal ka lang niya.
Hindi ba dahil natatakot siyang maagaw ka ng iba.
Hindi ba dahil iba sa pakiramdam pag may nakakaagaw ng atensyon mo.
Hindi ba dahil nakikita niyang ikaw mismo masaya sa nangyayari.
Think about it. Hindi sa lahat ng pagkakataon masama magselos. Aaminin ko, selosa ako. Wala eh. Pag mahal mo yun isang tao, andun yun takot na baka isang araw, maagaw na ng iba yun atensyon mo. Na kahit tiwala ka sa kanya, darating at darating din sa point na maaagaw ang atensyon niya. Kaya nga may mga possesive at selfish na minamahal eh, takot lang talaga silang mawala yun taong mahal nila.
Selos. Isang patunay lang yan na mahal na mahal ka ng minamahal mo. Isang patotoo na pinahahalagahan at inaalagaan ka niya. Kahit wala man sa lugar yun pinagseselosan niya, dapat pa ring malaman mo na nagseselos siya kasi mahal ka niya. :)













