Ang Alamat ng WIG sa Silver Screen
Usong uso na ang wig sa pelikula. From Basha of One More Chance (2007) to Basha again of A Second Chance (2015). Pero nandyan din sina Daphne (Maricar Reyes) ng Miss You Like Crazy, Winona (Toni Gonzaga) ng My Only Ü, at si Laida Magtalas (Sarah Geronimo) mula sa romcom trilogy nila ni Jhon Lloyd Cruz - pandagdag sa dumadaming listahan ng mga pekeng buhok sa pinilakang tabing.
Wala akong maisip na dahilan kung bakit kailangan magwig ng mga karakter para ipakita na mundong “I’m moving on!” Pero hindi natin alam ang artistic vision ng direktor kung bakit nga ba nakawig si Basha, at Trisha sa One More Chance, at yung iba pang mga karakter na dinirek ni Cathy Garcia-Molina. Kunwari may artistry sa pagsusuot ng wig. Yung kitang kita mo ang bawat hibla ng ewan-ko-ba-kung-plastik.
Ganun ba kamangmang tayong mga audience para hindi mahalatang peluka at peke ang short hair ni Athena Dizon sa She’s Dating the Gangster? Niloloko nila ang lelang natin. Ang lelang ko. Ang lelang nating lahat!
Inisip ko kung ano ba ang mga posibleng dahilan kung bakit gumagamit ng peluka sa pelikula at mga teleserye. Base sa aking mga nakalap na impormasyon *reporter tone*:
1. Kinakailangan daw sa role para ipakita ang progress ng karakter. Gusto naman palang magpakita ng progress. Sana nagpagupit sya ng totoo gaya ni Angelica Panganiban sa Pangako Sa ‘Yo. *Apir apir apir! Hindi na uso ‘yan!*
2. May other engagements daw ang artista at kailangan ang buhok nya. Lahat kasi ng kumpanya sa Pilipinas ay connected sa Uniliver at Colgate-Palmolive. Isa pa, feeling ko may ginto sa buhok nila. Wow! Gold-plated!
3. Ayaw ng artista. Ganyan talaga dito sa 'Pinas, artista ang nasusunod. 'Nuff said. TOTOO 'YAN!
Tumutubo naman ang buhok ‘di ba? O kung magsusuot man ng wig, sana yung mukhang totoo. Hindi yung plastik at shining, shimmering, splendid.
So, eto na nga… Kahit ga'no kaganda ang mga palabas at pelikula, nakakadistract talaga ang peluka kapag halatang peke. Sa laki ng budget ng Star Cinema, bakit hindi sila makapili ng mas magandang wig? Edi sana hindi tayo nagfocus sa bangs ni Basha sa trailer ng A Second Chance.