Oo. Isa sa mga bagay na pinakagusto ko sa kanya yung pagkkwento niya sa kada o bawat araw na lumilipas, mga bagay na nangyayari sa kanya, kung paano siya magreklamo sa school works na dinadanas niya, kung paano niya pigilan yung sarili niya tumawa kapag nagbitaw ako ng joke, kung paano siya magsabi at magkwento patungkol sa personal niyang buhay, yung tungkol sa pamilya niya, kung gaano siya ka sweet sa momny at sa kapatid niya, kung gaano siya ka kabado kapag dumadating yung araw ng defense sa thesis nya, kung gaano siya kasaya kapag successful every thesis defense or exams niya, yung hindi siya nahihiya makipag usap ng brutal kung brutal kahit pa nasa publikong lugar sya katulad na lang sa LRT, kung paano niya ko mapangiti kahit sa simpleng banat niya o kahit simpleng joke, o kahit sa simpleng i love you niya bago matulog at pagkagising, yung pasimpleng pang aasar niya na kunwari nagseselos siya, yung pinagseselos niya ko tapos nagseselos nga ako. HAHAHAHA. Kung paano nya sabihin, bitawan o sambitin yung pangalan ko at gayun din ako sa kanya, kung gaano kadalas makita sa messages ko yung tawagang ‘bi’ na binigyang kahulugan kong best influence HAHAHA, kung paano siya tumitig sa mata, kung gaano kasarap yakapin sya kahit na ang payat nya at ang taba ko badtrip, yung labi nya na ang nipis :’) yung namumula sya kada sasabihin kong, “bi, ang pogi mo ☺” at mejo nahihiya pang tumingin at umiiwas pa, yung paano niya hawakan mga kamay ko, yung paano niya ibulong sa tenga ko yung salitang ‘mahal kita’, kung paano ko guluhin yung buhok nya, hawakan yung kanang tenga niya, kung paano kami mag asaran, yung pakikipag usap niya ng late night hanggang sa antukin kami, yung pagkanta nya’t concert niya via phone, yung reaksyon niya kapag naiinis siya, yung kung paano ko sya amuhin kapag nag aaway kami at nagkakatampuhan, yung pakikipaglaban ko sa oras niya nang dahil sa paglalaro ng LoL, yung kaba everytime na binabanggit niya yung mommy nya, yung siya lang yung laman ng inbox ko at recent calls, kung paano siya kahirap pakiligin kasi nga ano MachoPapa sya, HAHA jk. Yung pagpapakinig niya sakin sa mga kanta o bandang pinakikinggan niya, na sabay ko nang dinadownload kasi nga ang ganda talaga, yung kahit ang sht na ng araw, pinapaalala ko pa din sa kanya na wag syang magpatalo sa narramdaman nyang inis o galit, na palagi lang syang ngumiti, yung mga ngiti nya na alam kong totoo, yung mga bagay na ang sarap alalahanin kasi alam siya yung kasama mo at parte sya non. Yung tiwala at pagmamahal na meron saming dalawa, yung mga bagay na kami lang nakakaintindi sa isang tinginan lang sabay ngiti o tawa, yung pagkakaibigan na sinimulan namin hanggang sa pagmamahalan na nabuo, yung isang taong pinahalagahan yung nararamdaman ko para sa kanya, yung taong minahal ako pabalik at yung taong binigyan din ako ng pagkakataon para mahalin siya, yung taong hinayaan makapasok ako sa buhay nya at pinakilala ang sarili nya, yung taong hindi natakot magmahal, yung taong kahit alam mong hindi perpekto, tanggap at mahal mo ng buong buo, yung taong ni minsan hindi mo susukuan o iiwanan, yung taong ipapadama sayo kung paano magmahal at mahalin, yung taong alam mong worth the risk, worth the pain. Yung mga simpleng bagay na to para sa iba, ito yung mga bagay na the best, in a short period of time, di nga ganon katagal pero yung nararamdaman o pakiramdam yun kasi yon. Yung mga panahong sakin sya, at sakanya ako, mga panahong J’s at R’s. Mga panahong kami, mga panahong tayo. ☺
Mali ako, hindi lang pala isa, dalawa, tatlo o apat na bagay yung gusto at minahal ko sakanya, napaka rami. Yung tipong di mo lahat masusulat ng isang bagsakan lang, maaaring makalimutan nya yung mga bagay na yon, pero lahat yon mananatili dito, mananatili. ☺
ang sarap ikwento lahat lahat ng bagay, yung nakikita mo na lang yung sarili mo na nakangiti. 😚